Nakatataba ng puso ang kuwento ni Angela Muji tungkol sa kanyang ama na labis ipinagmamalaki ang pagiging artista niya.
Si Angela ang kapareha ni Rabin Angeles sa hit Viva One series na Seducing Drake Palma.
Malaki ang pasasalamat ng young actress dahil natupad ang pangarap niyang magbida sa isang proyekto.
Nagbitaw ng salita si Angela na hindi magbabago ang kanyang ugali.
Read: Location ng teleserye ni Donny Pangilinan, pagmamay-ari ni Zaldy Co
Lahad niya: “Hindi ko po ine-expect na may magbabago pa sa akin kasi laging sinasabi sa akin na keep my feet on the ground.
“And kapag may nakakakilala man po sa akin tapos kasama yung tatay ko, proud na proud po siya at yun po ang ikinakatuwa ko po.
“Yung papa ko po, kapag nasa labas kami, kahit hindi ako kilala ng mga tao, sasabihin niya, 'Uy, nanonood ka ba ng Seducing Drake Palma? Itong anak ko ang bida doon, si Alys! Siya si Alys! Gusto niyo bang magpa-picture!’
“Ako po mismo, nahihiya ako pero na-realize ko, ganoon po siya ka-proud sa akin.
"Sobrang saya ko po na may napapatunayan na po ako kahit papaano sa ilang years na pinaghirapan ko po.”
THE ICE BUCKET INCIDENT
Nagkaroon ng thanksgiving presscon ang Viva One noong Lunes, Setyembre 29, 2025, bilang pasasalamat sa lahat ng mga tumangkilik sa romantic at feel-good series nina Rabin at Angela.
Kasunod ng thanksgiving presscon ang special screening ng finale ng Seducing Drake Palma sa Cinema 4 ng Gateway 1 Mall.
Kinilig ang mga hopeless romantic sa mga eksena nina Rabin at Angela sa huling kabanata ng kanilang palabas.
Read: Annette Gozon-Valdes defends Shuvee Etrata from critics
Nagmarka rin sa kanilang mga isip ang kuwento ni Angela tungkol sa hindi nito malilimutang karanasan sa taping nila ni Rabin para sa Seducing Drake Palma.
“Natapilok po ako sa stairs and hindi ko po ine-expect na para patawanin niya ako, gagawin niya itong bagay na ito.
“So, ginawan po ako ng first aid. Dahil natapilok po ako, nilublob yung paa ko sa ice bucket and the production staff was joking na, ‘Guys, kumuha na kayo ng yelo for your tumblers.’
“Joke lang naman to make everything lighter para hindi na ako umiyak, pero si Rabin po, tinotoo niya talaga.
“Kumuha po siya ng handful of ice from the bucket na nakalublob pa yung paa ko tapos inilagay niya sa tumbler niya and he sipped it.
“I made 'yuck.' Natawa po ako, hindi na ako umiyak.
"Yun po ang effort ni Rabin na hindi ko makakalimutan because no one in the right mind would do that .
"Pero he did for the sake of trying to make me feel better. I really like that po."
Read: Rabin Angeles, ire-remake ang sikat na movie ni Song Joong Ki