Certified box-office hit ang Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna, ang launching movie ng AshDres loveteam nina Ashtine Olviga, 26, at Andres Muhlach, 23.
Pinilahan ito sa mga sinehan, sa kabila ng banta ng Typhoon Opong.
Nagbukas sa mga sinehan ang Minamahal noong Miyerkules, Setyembre 24, 2025.
At bilang pasasalamat sa mga manonood, nagkaroon si Ashtine ng theater tour kahapon, September 27.

Hindi nakasama si Andres sa pag-iikot sa mga sinehan dahil sa doctor’s appointment niya, pero may theater tour pa sila ni Ashtine ngayong Linggo, Setyembre 28.
Ang "Sa Panaginip Lang" ang isa sa mga soundtrack ng Minamahal, at si Ashtine ang umawit sa kanta na unang pinasikat ng Alamat noong 2022.
Marami ang nagkagusto sa cover version ni Ashtine sa "Sa Panaginip Lang" na malakas ang last song syndrome kaya ikinagulat din niya ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanyang bersyon.
Isang sorpresa rin na may mga tagahanga si Ashtine mula sa India, Pakistan, Indonesia at Paraguay na hindi nakakaintindi ng wikang Pilipino pero gustung-gusto ang kanyang unang single.
Tinanong ng Cabinet Files ang kanyang reaksyon sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kanta niya.
Sagot ng dalaga, "Natutuwa po ako kasi nung marinig ko po yung original, yung sa Alamat, sobrang nagandahan din po talaga ako.
"At nung sinabi sa akin na kakantahin ko ‘yon, parang, 'Bakit ako?' Pero ngayon po na nakikita ko yun dalagag result, marami ang nag-e-enjoy, sobrang na-appreciate ko po."
Read: How Ashtine Olviga, Andres Muhlach motivate each other
HOW ASHTINE OLVIGA GOT INTO SINGING
Hindi itinuturing ni Ashtine ang sarili bilang mang-aawit.
Natatawang kuwento pa niya, kinukurot daw siya noong ng kanyang ina kapag pinipilit siyang sumali noon sa mga singing contest.
At dahil likas na mahiyain, madalas na hindi natatanggap si Ashtine sa VTR auditions na pinupuntahan niya kaya wala raw mag-aakala na magiging sikat na artista siya.
"Alam ninyo po, hanggang ngayon kapag kakanta, kinakabahan po talaga ako kasi hindi po siya kasali sa strength ko.
"Parang ang pinakagusto ko po talaga ay acting. Yung before po, nung bata pa ako, lagi po akong pinapakanta ni Mommy at mahiyain po talaga ako," lahad niya.
"Kung hindi po ako pinush ni Mommy na kumanta, mag-Viva, wala po ako dito ngayon kaya thank you so much Mommy."
Read: Carla Abellana reacts to Tom Rodriguez fathering a child
THANKFUL TO VIVA
Mas naging better version daw siya ng sarili niya dahil sa tiwala at suporta sa kanya ng Viva, na kanyang mother studio.
"Ngayon po, nagagawa ko yung mga bagay na hindi ko alam na kaya kong gawin before.
"Siguro kung nandito ako ngayon sa crowd, nandoon lang ako sa gilid, nanonood, tahimik lang.
"Sobrang laki po ng ipinagbago ko. Sobrang thankful ko sa Viva dahil kung hindi dahil sa mga experience at trainings na ibinigay nila sa akin before, hindi ko po maho-hone ang craft ko ngayon," pagtatapos ni Ashtine.