Isang real-life drama series na sinusubaybayan ng sambayanang Pilipino ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa flood control project anomalies dahil sa plot twists at mga bagong karakter na isinasangkot.
Inaabangan ang pagpapatuloy ng Blue Ribbon Committee inquiry sa Huwebes, Setyembre 25, 2025.
Bukod sa nakatakdang pagharap ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo, nakaantabay ang lahat sa pagbubulgar ng pangalan ng ibang mambabatas na sangkot din umano sa anomalya.
Read: Revilla, Estrada, Villanueva, Co tagged by ex-DPWH official Henry Alcantara
Sa sinumpaang salaysay na binasa ni dismissed Bulacan First District DPWH Engineer Henry Alcantara sa Blue Ribbon inquiry noong Martes, Setyembre 23, sinabi nitong si Bernardo ang nagsabi sa kanyang bigyan ng parte sa pondo ng flood control projects sina Senator Jinggoy Estrada, Senator Joel Villanueva, at former Senator Bong Revilla.
Pero nilinaw mabuti ni Alcantara na hindi siya nagkaroon ng direktang transaksyon at pakikipag-ugnayan kina Estrada at Revilla, na parehong mariing pinabulaanan na may kinalaman sila sa flood control project anomalies.
Read: Revilla, Estrada, Villanueva, Co deny receiving flood control kickbacks
ESTRADA AND REVILLA'S FATE
Kinumpirma ni Senator Ping Lacson, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, ang pagdalo ni Bernardo sa pagdinig bukas.
Ito ang hinihintay ng marami dahil sa mga sasabihin ni Bernardo tungkol kina Estrada at Revilla.
Sinabi ni Lacson na nakahanda na ang affidavit ni Bernardo na ibibigay nito sa Blue Ribbon Committee.
Nakasalalay kay Bernardo ang kapalaran nina Estrada at Revilla dahil siya ang makakapag-absuwelto sa dalawang actor-politicians tungkol sa mga ibinulgar nina Alcantara at dating Bulacan First District Assistant Engineer Brice Hernandez.
Kung pabor kina Estrada at Revilla ang mga sasabihin ni Bernardo, ito na ang pinakamasayang kaarawan ni Revilla, na magdiriwang ng ika-59 kaarawan sa Setyembre 25.
Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"
ZALDY CO WILL NOT BE SUMMONED BY THE SENATE
Marami naman ang nalungkot sa pahayag ni Lacson na malabo ang posibilidad na ipatawag si Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co sa Senate Blue Ribbon inquiry.
Hindi raw ito “proper,” ayon kay Lacson.
Paliwanag niya: “May inter-parliamentary courtesy. He’s still a congressman and merong tradisyon na, voluntarily, he can appear and testify or manifest.
"Pero to send an invitation or even a subpoena, hindi proper.
“To compel, to invite, and worse, to issue a subpoena, mukhang hindi proper.”
Inakusahan nina Alcantara at Hernandez si Co na tumanggap ng bilyung-bilyong salapi na nanggaling sa pondo ng flood control projects ng DPWH.
Pinabulaanan rin ni Co ang mga paratang laban sa kanya, pero wala siyang sinabi tungkol sa kinaroroonan niya sa kasalukuyan.
Umalis ng Pilipinas si Co noong Hulyo 2025 para sa isang medical check-up sa Amerika.
Ngayong Miyerkules, Setyembre 24, kumalat ang balita at larawang namataan siya sa Dubai International Airport para sa biyahe nila ng kanyang mga kasama sa Madrid, Spain.
Read: Claudine Co, muling napagdiskitahan ng netizens dahil kay Zaldy Co