“No talk, no mistake.”
Ito ang payong-kapatid ni Anjo Yllana kay Maine Mendoza, na nakatrabaho niya noon sa noontime variety show na Eat Bulaga!.
Nakita at nabasa raw ni Anjo ang kaliwa’t kanang online bashing kay Maine dahil sa pagtatanggol nito sa mister na si Quezon City First District Representative Arjo Atayde.
Ito ay kasunod ng pagdawit ng contractors na sina Sarah at Curlee Discaya sa pangalan ng actor-politician sa flood control project anomalies.
Read: Maine Mendoza: Arjo Atayde not capable of stealing people's money
NO TALK, NO MISTAKE POLICY
Bilang dating katrabaho ni Maine, nag-alala at umiral daw ang malasakit ni Anjo kaya may mensahe siyang ipinarating sa TV host-actress.
Idinaan ni Anjo ang mensahe niya kay Maine sa pamamagitan ng kanyang Anjo and Mr. Wrongbang TikTok channel.
Saad ng actor-TV host: “Kasi nga yan, pagsasabihan… hindi ko kilala yung asawa ni Maine, e. Hindi pa kami nagkita niyan.
“Yan, Maine, yung asawa mo, kaya naman galit yung tao, pati sa yo na, una, katulad nun, nagde-deny din kayo, nagde-deny yung asawa mo na hindi rin kilala yung mga contractors.
“E, may resibo, lumabas na naman yung mga pictures."
Ang tinutukoy ni Anjo ay ang lumabas na larawan ni Arjo kasama ang mag-asawang Discaya na kuha sa loob ng opisina ng mambabatas.
Read: Arjo Atayde on Discayas: "I’ve never dealt with them."

Payo pa ni Anjo kay Maine: “No talk, no mistake policy. Dapat quiet na lang muna siya.”
Napansin din daw ni Anjo na masyadong mainit ang mga tao kay Maine, kahit karapatan nitong ipagtanggol ang asawa.
Ito ang pinagmulan ng kanyang pahayag na baka hindi muna pumasok sa Eat Bulaga! ang asawa ni Arjo.
Hindi nagkamali ang haka-haka ni Anjo dahil ilang araw nang hindi napapanood si Maine sa Eat Bulaga!, pero walang malinaw na dahilan sa hindi niya pagsipot sa noontime variety show ng TV5.
Read: Anjo Yllana natuwa sa mga reaksyon sa mga pahayag kay BBM