PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ano ang orihinal na inspirasyon ng kantang "Kapangyarihan"?

May kinalaman sa isang malagim na krimen ang kuwento ng "Kapangyarihan."
by Jojo Gabinete
Published Sep 22, 2025
ben&ben sb19 kapangyarihan
Ben&Ben and SB19 joined forces for the powerful track “Kapangyarihan,” a collaboration that has resonated deeply with the public and quickly emerged as the anthem of the ongoing anti-corruption protests.
PHOTO/S: Instagram

Ang mga video ng iba’t ibang eksena mula sa kilos-protesta laban sa korapsyon na idinaos sa Luneta sa Maynila at EDSA sa Quezon City ang ipinakita sa closing billboard sa live newscast sa 24 Oras ngayong Lunes ng gabi, Setyembre 21, 2025.

Maraming manonood ang naantig ang damdamin sa pagbibigay-pugay ng 24 Oras sa mga nakiisa sa kilos-protesta at sa cut-to-cut scene videos.

Read: Placards, punchlines steal the scene at Trillion Peso march

Nilapatan ito ng "Kapangyarihan," ang kanta ng Ben&Ben at SB19 na isa nang protest anthem dahil sa mensahe ng lyrics na sumasalamin sa malaganap na korapsyon na nangyayari sa ating bansa.

Inawit nina Paolo at Miguel Guico ng Ben&Ben ang "Kapangyarihan" nang umakyat sila sa entablado ng kilos-protesta sa EDSA noong Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginamit din ang "Kapangyarihan" bilang opening theme song ng Pulang Araw (Hulyo 29-Disyembre 27, 2024), ang war drama series ng GMA-7 na pinangunahan nina Alden Richards at Barbie Forteza.

Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"

THE ORIGIN OF "KAPANGYARIHAN"

Para sa kaalaman ng lahat, isinulat nina Paolo at Miguel ang "Kapangyarihan" bilang reaksiyon nila sa kaso ng pagpatay ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio ng Paniqui, Tarlac, noong Disyembre 2020.

Ang pagpaslang sa mag-inang Gregorio ang isa sa pinakamalaking balita noong 2020.

Aktuwal na nakunan ng video ang pamamaril sa kanila ni Nuezca, na nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City noong Agosto 26, 2021.

Read: Brutal na pagpatay ng pulis sa mag-ina sa Tarlac, nakakagalit

Jonel Nuezca
Jonel Nuezca
Photo/s: Paniqui Municipal Police, Screengrab from YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi namalagi si Nuezca nang matagal sa bilangguan dahil makaraan lamang ang tatlong buwan, inatake siya sa puso na sanhi ng kanyang kamatayan sa edad na 47 noong Nobyembre 30, 2021.

Read: Killer ex-cop na si Jonel Nuezca pumanaw sa kulungan

Noong Agosto 29, 2021, ilang araw matapos hatulan si Nuezca ng reclusion perpetua ng Paniqui Regional Trial Court, isang bagong bersyon ng "Kapangyarihan" ang inilabas ng Ben&Ben.

Tampok dito ang P-pop boy band na SB19.

Si Pablo Nase ng SB19 ang nagdagdag ng ilang linya para sa bagong bersyon ng "Kapangyarihan."

Limang taon na ang nakararaan pero akmang-akma pa rin ang mensahe ng "Kapangyarihan" sa mga kaganapan ngayon sa Pilipinas kaya muling nag-aaklas ang mga Pilipino sa mapayapang pamamaraan.

THE LYRICS OF "KAPANGYARIHAN"

Akala niyo ba, ang kapangyarihan

Ay nasa inyo? Sino ba kayo?

Di naman kami nagkulang

Sa aming pag-uunawa

Di ka namin isusuka

Kung hindi ka pa sukdulan

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Huwag niyong tapakan ang katarungan

Akala niyo ba, ang kapangyarihan

Ay nasa inyo? Sino ba kayo?

Magwawagi ang katotohanan

Ang kadiliman ay ibabagsak

Nagsisilbi ka dapat

Nagsisilbi ka dapat

Di ba dapat ikaw ang nagsisilbi sa 'min?

Bakit tila kami'y nananaginip nang gising?

Ang bawat pighati na dala, dagdag bigat damdamin

Pipilitin na pasanin hanggang sa mga mata niyo'y mamulat

Magising sa sigaw na sumasalamin

Sa sumpa niyong magsilbi sa amin

Tuluyang nawalan ng bisa

Ba't sinaulo't di sinapuso bilang ng buhay ng tao?

Kayong mga hari-harian, pagkalaki na ng mga ulo

Wag n'yong kalilimutan na hawak-hawak namin ang inyong trono

Nadidinig n'yo pa ba ko?

Pangako'y napako dahil sa korona sa ulo niyo

Di na magpapaalipin pa sa mga rehas mo

Di mabubuwag ng kahit anumang sindak ang katotohanang 'to

Ibon na malayang lumipad

Di mo na makukulong

Akala niyo ba, ang kapangyarihan

Ay nasa inyo? Sino ba kayo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magwawagi ang katotohanan

Ang kadiliman ay ibabagsak

Akala niyo ba, ang kapangyarihan

Ay nasa inyo? Sino ba kayo?

Magwawagi ang katotohanan

Ang kadiliman ay ibabagsak

Nagsisilbi ka dapat

Nagsisilbi ka dapat

Katotohanan ang dapat mamuno (nagsisilbi ka dapat)

Sa namumuno sa mamamayan (nagsisilbi ka dapat)

Makatarungan ang dapat mamuno (nagsisilbi ka dapat)

Sa namumuno sa mamamayan (nagsisilbi ka dapat)

Nagsisilbi ka dapat

Nagsisilbi ka dapat

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ben&Ben and SB19 joined forces for the powerful track “Kapangyarihan,” a collaboration that has resonated deeply with the public and quickly emerged as the anthem of the ongoing anti-corruption protests.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results