Trigger Warning: Mention of mental health, rape
Mabilis ang pagtugon ng netizens sa paghahanap kay Alvin Karingal, ang tinaguriang "Fishball Warrior."
May mga netizen na nagbahagi ng video na nagpapakita kay Alvin na sakay ng police patrol vehicle habang nakaposas at may hawak na bottled water.
Lumitaw ang video ng pag-aresto kay Alvin matapos mag-viral ang panayam sa kanyang inang si Mean Karingal, na lumuluha at labis nag-aalala sa kinaroroonan ng hinahanap niyang anak.
Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"
Binansagang “Fishball Warrior” si Alvin dahil sa viral video ng kanyang panawagang ibaba ang presyo ng fishball at ng ibang mga streetfood nang lumahok siya sa martsa ng kilos-protesta laban sa korapsyon na idinaos sa Luneta Park noong Linggo, Setyembre 21, 2025.
Ilang oras matapos kumalat ang video ng apela ni Alvin, ang larawan ng pag-aresto sa kanya ng pulis ang pinagpasa-pasahan sa social media.
Read: Viral "Fishball Warrior," tumakbong mayor ng Maynila
Umiiyak na inilahad ni Mean na may kapansanan sa pag-iisip si Alvin kaya alalang-alala siya sa sinapit ng anak.
Pinayuhan ng concerned citizens si Mean na huwag nang mag-alala dahil maayos ang kalagayan ni Alvin.
Maaari raw niyang puntahan ang anak sa pinagdalhan dito sa Manila Police Station 10 sa Pandacan, Manila.
Dahil sa rebelasyon ni Mean, naawa at nakuha ni Alvin ang simpatiya ng mga tao.
Ang iba naman ay inusig ng kanilang mga konsyensya dahil hinusgahan, pinagtawanan, at ginawa nilang content ang kanyang apelang ibaba ang presyo ng mga pagkain, tulad ng fishball, na nabibili sa kalye.
Read: Celebrities spotted at September 21 protests in Luneta, EDSA
ALVIN KARINGAL'S TRAGIC PAST
Natuklasang kumandidatong mayor ng Maynila si Alvin sa halalan noong Mayo 2025.
Sa panayam sa kanya ng mga TV reporter nang maghain siya ng Certificate of Candidacy, sinabi ni Alvin na ang climate change ang isa sa kanyang mga plataporma.
“Matindi ang inabot namin sa Ondoy. Yung ilog, nakakadiri. Pumasok sa loob ng bahay namin, tapos ganoon lang,” pahayag ni Alvin.
May kinalaman sa pagbaha ang adbokasiya dahil sa naranasan niya nang manalanta sa Metro Manila ang Typhoon Ondoy noong Setyembre 24, 2009.
Matatandaang nag-ugat sa mga pagbaha ang pagkakatuklas sa flood control project anomalies na pinagmulan ng anti-corruption rallies sa maraming panig ng Pilipinas noong Linggo.
Read: Philippine Flood Control Corruption: A Timeline
Ayon kay Mean, schizophrenia ang karamdaman sa pag-iisip ni Alvin na nakulong noon sa National Center for Mental Health.
Isang nakakakilala kay Alvin ang nagpatotoong hindi ito normal dahil magkasama raw silang nagsisilbi noon sa simbahan.
Sinilip ng Cabinet Files ang Facebook page ni Alvin at makikita sa mga post nito ang katalinuhan na angkin niya.
May kinalaman sa pananalampataya sa Diyos ang mga mensahe na ibinabahagi ni Alvin na tila epekto ng paglilingkod niya noon sa simbahan at nagpapakita ng likas na kabutihan,kahit may problema sa kanyang mental na kalusugan.
Pero may hatid na kalungkutan ang kanyang ipinagtapat: “I am a product of rape between family member but I was not aborted by my mother and I run for mayor of Manila last 2025.”
Read: Cardinal David, kontra sa panawagan ni Vice Ganda na ibalik ang death penalty