PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Remulla at Isko, itinangging may namatay sa Manila riot

DOH, kinumpirmang may isang namatay sa mga isinugod mula sa riot.
by Jojo Gabinete
Published Sep 22, 2025
remulla mreno recto riot
DILG Secretary Jonvic Remulla (left) and Manila Mayor Isko Moreno (right) separately denied reports of any casualties during the mass protest in Manila on September 21, 2025.
PHOTO/S: Philippine News Agency / TV5

Binanggit ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang mga Netflix action series na One Piece at Lupin sa panayam sa kanya ng ANC.

Ito ay kaugnay ng mga karahasang nangyari sa anti-corruption rally noong Linggo ng gabi, Setyembre 21, 2025 sa Recto Avenue, Manila.

Read: Karahasan sumiklab sa araw ng kilos-protesta

Pahayag ni Remulla: “Ang nakita namin, meron silang tinitingnan na website, yung One Piece, parang Lupin, na nakaitim silang lahat.

"Sinusunod nila yung pattern na ginawa sa Nepal, ginawa sa Indonesia. Pero nagmasid naman kami. Nakita namin na disorganized.”

Itinanggi naman ni Remulla sa isang panayam na may nasawi sa kaguluhang naganap sa Recto Avenue.

Tinawag ni Remulla na "fake news" ang kumakalat sa social media, pero inamin niyang may mga nasaktan sa mga lumahok sa kilos-protesta sa Recto.

Itinanggi rin ni Manila City Mayor Isko Moreno na may namatay sa Recto riot.

Ayon kay Moreno, walang iniulat na nagbuwis ng buhay sa karahasang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Salamat sa Diyos, both to the PNP and the rallyist, wala naman [namatay]. Kaya lang, meron akong isang pulis na nalagay sa alanganin ang buhay, medyo stable na naman siya,” sabi ni Moreno.

Personal na pumunta si Moreno sa Recto noong Linggo para tingnan ang mga pag-aari ng gobyerno at mga pribadong ari-ariang winasak ng mga demonstrador.

Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"

DOH CONFIRMS ONE DEATH

Magkaiba ang mga pahayag nina Remulla at Moreno at ng Department of Health (DOH).

Ngayong Lunes, Setyembre 22, kinumpirma ng government agency na isa ang namatay at 48 ang mga nasaktan na isinugod sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center matapos ang karahasan sa Recto na humantong sa paninira ng government at private properties.

Sinabi ng DOH na hindi pa nakikilala ang lalaking sinaksak at dead on arrival nang dalhin sa ospital.

Tiniyak ng DOH na walang sisingilin sa pagpapagamot ng mga pasyente dahil sakop daw ito ng Zero Balance Billing na ipinag-utos ni President Ferdinand Marcos Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Celebrities spotted at September 21 protests in Luneta, EDSA

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DILG Secretary Jonvic Remulla (left) and Manila Mayor Isko Moreno (right) separately denied reports of any casualties during the mass protest in Manila on September 21, 2025.
PHOTO/S: Philippine News Agency / TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results