PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karahasan sumiklab sa araw ng kilos-protesta

Mga demonstrador nagtangkang lumapit sa Malacañang
by Jojo Gabinete
Published Sep 21, 2025
Ayala Bridge Manila
Habang mapayapa ang nangyayaring kilos-protesta kontra korupsyon sa Luneta at EDSA, nagkagulo naman at naging marahas ang eksena sa pagitan ng mga demonstrador at mga tauhan ng Philippine National Police sa Ayala Bridge, Manila.
PHOTO/S: Screengrab from GMA Integrated News

Habang nagaganap ngayong Linggo nang hapon, Setyembre 21,2025, ang mapayapang kilos-protesta sa People Power Monument sa EDSA Shrine, Quezon City, sumiklab ang karahasan sa Ayala Bridge, Manila, dahil sa mga demonstrador na nagtangkang marating at mapasok ang palasyo ng Malacañang.

Nangyari ang insidente sa Maynila habang papunta ang grupo nina Anne Curtis at Vice Ganda sa People Power Monument.

Vice Ganda, Ion Perez, Anne Curtis, Jasmine Curtis-Smith
Habang papunta sina Vice Ganda, Ion Perez, Anne Curtis, Jasmine Curtis-Smith at mga kasama sa People Power Shrine sa EDSA, nagkakagulo naman sa Ayala Bridge, Manila.
Photo/s: Angat Buhay Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napanood sa live broadcast ng GMA Integrated News ang paggigirian ng mga demonstrador at ng mga pulis na nakabantay sa lahat ng mga kalsada patungo sa Malacañang.

Nasusunog na mga gulong ng iniharang na container van sa Ayala Bridge.
Nasusunog na mga gulong ng iniharang na container van sa Ayala Bridge.
Photo/s: SCREENGRAB FROM GMA Integrated News

Naging marahas ang kilos-protesta sa Ayala Bridge dahil pagsugod at pambabato ng mga demonstrador sa mga pulis na pinaiiral noon ang maximum tolerance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinunog ng mga demonstrador ang gulong ng isang container van na ginamit nila bilang pangsangga habang binabato nila ng iba’t ibang bagay ang mga pulis.

May mga nasugatang pulis at may mga dinakip na demonstrador dahil sa kaguluhan na inumpisahan nila.

Naiwasan ang mas malaking panganib nang maapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nasusunog na gulong ng container van.

Naapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang apoy na tumupok sa mga gulong ng iniharang na containver van.
Naapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang apoy na tumupok sa mga gulong ng iniharang na containver van.
Photo/s: Screengrab from GMA Integrated News
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Patuloy na tinututukan at binabantayan ng mga tauhan ng Philippine National Police ang Mendiola Street at ang mga kalye sa paligid ng Malacañang Palace dahil dito patungo ang mga dumalo sa kilos-protesta sa Luneta Park.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Habang mapayapa ang nangyayaring kilos-protesta kontra korupsyon sa Luneta at EDSA, nagkagulo naman at naging marahas ang eksena sa pagitan ng mga demonstrador at mga tauhan ng Philippine National Police sa Ayala Bridge, Manila.
PHOTO/S: Screengrab from GMA Integrated News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results