PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong, Aga, Paulo kani-kanya ang pahayag tungkol sa corruption

"End corruption now!"
by Jojo Gabinete
Published Sep 21, 2025
Dingdong Dantes, Aga Muhlach, Paulo Avelino
Hindi man nakarating sa dalawang malalaking pagkilos laban sa korapsyon sa pamahalaan, may kani-kanya namang pagpapahayag tungkol sa korapsyon sina Dingdong Dantes, Aga Muhlach, at Paulo Avelino.
PHOTO/S: @dongdantes Instagram / @centurytunasuperbods Instagram / @pauloavelino Instagram

Maaaring hindi alam ng publiko na tuwing araw ng Linggo, magkakasamang tumatakbo sa kahabaan ng Ayala Avenue sa Makati City sina Dingdong Dantes, Kim Atienza, Jerald Napoles, ang talent manager na si Ranvel Rufino, at ang mga kaibigan nila bilang bahagi ng kanilang ehersisyo.

Pero ngayong Linggo, Setyembre 21, 2025, espesyal at makabuluhan ang pagtakbo na ginawa ng grupo nina Dingdong at Ranvel dahil tumakbo sila para sa kanilang panawagan na wakasan na ang korapsyon kaya may tatak na End Corruption Now ang mga itim na sandong suot nila.

Dingdong Dantes, Kim Atienza, at Ranvel Rufino suot ang mga kanilang statement shirts tungkol sa corruption.
Dingdong Dantes, Kim Atienza, at Ranvel Rufino suot ang mga kanilang statement shirts tungkol sa corruption.
Photo/s: @ranvelrufino Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang pangalan ang running group ng mga nabanggit na personalidad pero sa panayam ng Cabinet Files kay Ranvel ngayong Linggo nang hapon, sinabi niyang nakiisa sila sa kilos-protesta dahil, “We just love our country and want it to be corruption free especially for our kids.”

Samantala, hindi man dumalo sina Aga Muhlach at Paulo Avelino sa magkahiwalay na kilos-protesta sa Luneta Park at EDSA, ipinarating nila sa publiko ang kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng social media.

“Make corruption shameful again o kailangan maging nakakadiri yung korapsyon" ang Instagram post ni Aga.

Post ni Aga Muhlach sa kanyang social media.
Post ni Aga Muhlach sa kanyang social media.
Photo/s: @agamuhlach317 Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakarindi na dahil ang tingin nila sa atin ay tanga” ang X post ni Paulo na may mensahe rin na: “Hindi man ako makakadalo sa rally laban sa korupsyon, buo ang suporta ko sa panawagan para sa pananagutan at malinis na pamamahala.

Post ni Paulo Avelino sa X.
Post ni Paulo Avelino sa X.
Photo/s: @paulo X
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Mahalaga sa akin ang laban na ito at bagama’t wala ako sa mismong pagtitipon, kaisa rin ako sa adhikain para sa integridad at pagbabago.

“Managot na ang dapat managot. Makulong na ang lahat ng dapat makulong.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi man nakarating sa dalawang malalaking pagkilos laban sa korapsyon sa pamahalaan, may kani-kanya namang pagpapahayag tungkol sa korapsyon sina Dingdong Dantes, Aga Muhlach, at Paulo Avelino.
PHOTO/S: @dongdantes Instagram / @centurytunasuperbods Instagram / @pauloavelino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results