Kabilang ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid sa mga Pilipinong makikiisa sa malawakang kilos-protesta laban sa korapsyon na mangyayari sa EDSA sa Linggo, Setyembre 21, 2025.
Bago nagsalita si Ogie tungkol sa nakatakdang pagdalo niya sa EDSA rally, ibinahagi muna niya ang isang eksena sa kinabibilangang noontime show, ang It’s Showtime.
Read: Curlee Discaya claims politicians, 120M Filipinos want them dead
Lahad niya: “Vice was interviewing this old man. He was probably in his 70s, tapos an ice cream vendor.
“He was earning about five hundred pesos a day, he makes his own ice cream.
"Siguro ang nineneto niya, two hundred pesos na lang. Tapos kung meron pa siyang maitatabi, bibigyan niya ng ice cream yung apo niya.
“Napaisip ako, sabi ko, 'Grabe itong taong ito.'
"And he has the dignity, di ba? He works so hard no matter what his educational background was and no matter how hard life was.
“Ito yung sinasabi natin na lumalaban nang patas.
"I forgot who he was so I call him Mang Totoy... Si Mang Totoy, araw-araw kumakayod. Lumalaban nang patas."
Read: Maine Mendoza: Arjo Atayde not capable of stealing people's money

Pagpapatuloy ni Ogie: "Binibigyan niya ng ice cream yung apo niya. Sobra siyang napangiti dun.
"Pero yung apo niya na walang kamuwang-muwang, ano kaya ang kinabukasan ng batang yon?
“It was just my way of saying, ‘Here’s a man who is honest but, at the same time, winawalanghiya siya ng mga dapat mag-protect sa kanya.'
“So just like everybody else, we have to hold the people accountable, to whatever they may have committed allegedly.
"Nothing yet has been finalized, judged upon, but araw-araw yan ang nababasa natin.”
Read: Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals
OGIE ALCASID FRUSTRATED OVER CORRUPTION
Hinihikayat ni Ogie ang lahat na lumabas mula sa kanilang mga tahanan sa darating na Linggo at makilahok sa idaraos na protesta laban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan at sa mga sangkot sa anomalya sa mga proyekto sa flood control.
“In fact, on Sunday, I will be there in EDSA with my sister maybe. Basta I will be there," sabi ni Ogie.
“Fifty-eight na ako. This is more than anything else. This is all about us na, e.
"Kaya yung nakikita ko na walang pink, walang [dilaw], totoo yun, e. Lahat na tayo ito. This has no political color.”
Nang itanong ng Cabinet Files kung gaano siya kaapektado sa malalang sitwasyon ng korapsyon sa Pilipinas, napayuko, napapapikit, at umarte si Ogie na parang maiiyak.
Hindi kaila na bilang entertainers, malaking halaga ng pera ang ibinabayad nila ng kanyang misis na si Regine Velasquez para sa buwis.
Read: Zaldy Co, Martin Romualdez deny kickback claims by the Discayas
“Para mamulat lang ang lahat, alam mo ang sabi sa Bibliya, ‘Give unto Ceasar what is Caesar’s.’
"So, ang ibig sabihin, kailangan pa rin nating magbayad ng tax. Kahit ano pa ang nangyayari, it’s our obligation,” dismayadong sabi ni Ogie.
Dagdag niya: “It’s very frustrating. Nakakalungkot, nakakagalit to say the least, pero hindi puwedeng puro galit lang.
“Magpakita tayo ng pagkakaisa, dun man lang. Ako, nakikini-kinita ko na maraming tao ang lalabas.
“Maraming tao at hinihikayat ko rin yung iba.
"Sunday naman, kung nalalayuan kayo sa parking, halimbawa sa EDSA, mag-park kayo sa Katipunan. Lakarin ninyo na lang, magdala kayo ng payong. Magdala kayo ng masks.
“Makinig! Makiisa kasi meron tayong mapupulot doon. May magsasalita doon na may punto ito.”
Read: Kara David at Karen Davila, may maanghang na komento sa korapsyon
EDSA BABY
Napag-uusapan daw ni Ogie at ng mga co-host niya sa It’s Showtime ang kilos-protesta na magaganap sa Linggo, pero hindi siya sigurado kung magkakasama sila.
“Baka magkakahiwalay kami. Kasi ako, sa EDSA talaga ako. EDSA baby ako, 1986, I was first year college.
“Nag-aaral ako noon sa UP Los Baños [Laguna]. Kahit sa Los Baños yung pasok namin, nagpunta ako sa EDSA, tapos uuwi ako doon. Nakikinig kami sa Radyo Veritas.
"Yun ang kinamulatan ko kaya hindi tayo puwedeng hindi magdasal. Alam ko corny yon sabihin, pero totoo yon, kasi kailangan nating hilingin.
“Di ba, nung pandemic, dasal tayo nang dasal, 'Sana matapos na ito, Lord.’
“O, di natapos nga, hiling ninyo, di ba?
"At lagi nating sinasabi noon, ‘Kapag natapos itong pandemic, kapag hindi tayo nagbago, wala na tayong pag-asa.’
“E, hindi naman tayo nagbago, di ba? Lumala!
"Parang, kumbaga, ano ba ang gusto ninyo, delubyo?
“I’ve heard this before that' absolute power corrupts absolutely.' Kaya kailangan ipagdasal natin ang mga leader natin na hindi sila masilaw sa korapsyon.”
Read: Curlee Discaya cited for contempt; Jinggoy Estrada "safe" again?