Ang Thailand ang sentro ngayon ng international pageants sa mundo.
Ito ang host country ng Miss International Queen 2025, Mister International 2025, Miss Grand International 2025, Miss Universe 2025, at Mister Cosmopolitan 2025.
MISTER COSMOPOLITAN 2025
Si Kenneth Marcelino ang first runner-up, Best in National Costume, at Mister Photogenic sa 3rd Mister Cosmopolitan na ginanap sa Siam Fantasy, Asiatique, Bangkok, noong Setyembre 7, 2025.
Read: Kenneth Marcelino wins 1st runner up at Mister Cosmopolitan 2025
View this post on Instagram
miss internatioNal queen 2025
"Wansiri Inspiring Beauty" ang special award na tinanggap ni Anne Patricia Lorenzo Diaz ng Pilipinas sa preliminary competition ng 19th Miss International Queen na idinaos noong Huwebes, Setyembre 18.
Ang Miss International Queen ang pinaka-popular beauty pageant para sa transgender women.
Si Patricia ang kinatawan ng ating bansa sa 19th edition ng patimpalak na nakatakda ang gabi ng koronasyon sa Tiffany Show, Pattaya, Thailand, sa Sabado, Setyembre 20.
Read: Miss International Queen Philippines 2025, kontrobersiyal
View this post on Instagram
MISTER INTERNATIONAL 2025
Umaasa naman ang mga tagasuporta ng German-Filipino model na si Kirk Bondad na maiuuwi nito ang korona ng Mister International 2025 sa grand finals night na mangyayari sa Setyembre 25.
Si Kirk ang Philippine representative sa Mister World 2024, pero naging mailap sa kanya ang tagumpay.
Si Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo at ang Thai actor at Mister International 2023 na si Kim Goodburn ang mga host ng 17th Mister International.
Minsan nang bumisita sa Pilipinas si Kim noong Oktubre 2023.
Read: Miss International Queen Philippines 2025, kontrobersiyal
View this post on Instagram
MISS UNIVERSE 2025
Babalik si Ahtisa sa Thailand sa Nobyembre 2025 dahil siya ang opisyal na kalahok ng ating bansa sa 74th Miss Universe na idaraos sa Nonthaburi, Thailand.
Si Miss Universe Thailand Paveenar Singh ang isa sa mga mahigpit na makakalaban ni Ahtisa para sa korona ng Miss Universe 2025.
Si Paveenar ang kauna-unahang kandidata ng Thailand sa Miss Universe na nagpakasal at nakipaghiwalay sa kanyang asawa.
Ikinasal si Paveenar kay Hanchareon Sing Thakral noong Pebrero 2022, pero nagdiborsiyo sila noong nakaraang taon.
Read: Ahtisa Manalo of Quezon Province crowned MUPH 2025
View this post on Instagram
MISS GRAND INTERNATIONAL 2025
Bago lumahok si Ahtisa sa Miss Universe 2025 sa Nobyembre 21, mauuna si Emma Tiglao sa paglaban nito sa Miss Grand International 2025 na mangyayari sa MGI Hall, Bangkok, sa Oktubre 18.
Nangangarap ng back-to-back win sa Miss Grand International ang Filipino beauty pageant fans.
Si Christine Juliane Opiaza ng Pilipinas ang reigning Miss Grand International matapos bawiin ng MGI Organization ang korona at titulo ni Rachel Gupta ng India.
Read: Emma Mary Tiglao crowned Miss Grand Philippines 2025
View this post on Instagram