PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ashtine Olviga, inalala ang pag-eekstra sa mga teleserye ng GMA-7

Ashtine Olviga, ikinumpara ng direktor kay Sarah Geronimo
by Jojo Gabinete
Published Sep 18, 2025
ashtine olviga endorsement
Ashtine Olviga on being compared to Sarah Geronimo: "Kapag may naririnig po akong ganyan na compliments, siyempre thankful po ako, pero hindi ko ipinapasok sa utak ko. Kasi hindi naman po talaga natin alam kung ano yung puwedeng mangyari. Kung nakikita po nila ako na ganoon, maraming-maraming salamat, kasi malaking bagay po yon."
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkuwento si Ashtine Olviga tungkol sa struggling-star days niya noong baguhan pa lang siyang artista.

Kabilang daw sa mga nilabasan niyang programa sa GMA-7 bilang extra ay ang Nita Negrita (2011), na pinagbidahan ni Barbie Forteza, at isang teleseryeng pinagbidahan ni Kris Bernal.

“Nag-eekstra po ako sa GMA-7, sa Nita Negrita, saka sa isang show na kasama si Kris Bernal.

"Tapos nag-acting workshop po ako sa ABS-CBN pero hindi po ako nakukuha,” pagbabahagi ni Ashtine.

Pero makalipas ang labing-apat na taon, nagbunga ang kanyang pagsisikap, pagtitiyaga, at matagal na paghihintay dahil isa na siya ngayon sa mga sikat na aktres sa bakuran ng Viva Films.

Nakausap ng Cabinet Files si Ashtine nang ipakilala siya bilang celebrity endorser ng Donburi Rice Bowls para sa mASHarap campaign ng Botejyu Japanese restaurant.

Read: Kara David at Karen Davila, may maanghang na komento tungkol sa korapsyon

ASHTINE OLVIGA ON BEING COMPARED TO SARAH GERONIMO

Ang concert at movie director na si Paul Basinillo ang direktor ng commercial ni Ashtine para sa Botejyu at sa nakaraang Vivarkada concert ng contract stars ng Viva Artists Agency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinumpara ni Paul si Ashtine sa popular singer-actress na si Sarah Geronimo dahil, sa kanyang opinyon, parehong mapagkumbaba ang dalawa sa kabila ng kanilang tinatamasag kasikatan.

Saad ng direktor: “I’ve handled a lot of artists, mostly the big ones like Sarah Geronimo.

"Closer to Sarah, I think, yung kanyang humility at pagkatao.

“Ang observation ko, everytime she performs onstage, the last concert in Araneta Coliseum, everytime she goes onstage and performs, nasa kanya yung pinakamalakas na palakpak.

“Based on our experience with Ashtine, while we were working together during the concert, alam ko naman na she can deliver more than a hundred percent, so marami kaming ginawa.

“This is not just the first commercial for Ashtine, gagawa pa tayo ng iba pa para sa kanya. We’re looking forward to that...”

Read: Victor Consunji highlights "20 years" of knowing Rachel Carrasco

Hindi naman malaman ni Ashtine ang sasabihin nang itanong ng Cabinet Files ang kanyang reaksiyon sa mga sinabi ng multi-awarded director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: “Hindi ko po alam kasi, personally, kapag may naririnig po akong ganyan na compliments, siyempre thankful po ako, pero hindi ko ipinapasok sa utak ko.

"Kasi hindi naman po talaga natin alam kung ano yung puwedeng mangyari.

“Kung nakikita po nila ako na ganoon, maraming-maraming salamat, kasi malaking bagay po yon."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ashtine Olviga on being compared to Sarah Geronimo: "Kapag may naririnig po akong ganyan na compliments, siyempre thankful po ako, pero hindi ko ipinapasok sa utak ko. Kasi hindi naman po talaga natin alam kung ano yung puwedeng mangyari. Kung nakikita po nila ako na ganoon, maraming-maraming salamat, kasi malaking bagay po yon."
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results