Tagahanga ng K-drama series ang singer at aktres na si Aubrey Caraan.
Isang karangalan para sa kanya na siya ang personal na pinili ni Viva Communications, Inc. CEO Vic del Rosario Jr. na kapareha ng South Korean singer-actor na si Daewon Lee sa collaboration single na "Selfish Guy."
Ang tambalan nila ni Daewon Lee ang magbibigay kay Aubrey ng pagkakataong makarating sa South Korea sa kauna-unahang pagkakataon.
Lilipad siya sa nabanggit na bansa para sa promotion ng awit nila ng dating lead vocalist ng K-pop band na Offroad.
Read: Elias J.TV, kinatigan ng korte sa petition laban sa talent manager
Lahad ni Aubrey: “Tinanong ko po si Boss Vic kung bakit ako yung napili. Sabi niya, nung narinig niya ang boses ni Daewon and yung material, parang pasok yung voice ko.
“I mean, out of the female singers po sa Viva na okay, parang naisip niya na ako na lang. Kasi pagdating daw sa range at sa genre po ng song, talagang pasok po ako. Kumbaga, sanay na po ako sa ballad at medyo birit.
“We’re planning to go to South Korea for me to promote there. I’m so glad coz it will be my first time na lilipad sa South Korean and magwo-work pa ako doon so I am looking forward,” ang kuwento ni Aubrey.
Read: Lino Cayetano, hayagang kinontra ang kapatid na si Alan Peter Cayetano
AUBREY CARAAN ON DUET WITH DAEWON LEE
Puring-puri ni Aubrey si Daewon Lee dahil sa mga katangian nito nang magsama sila para sa recording ng "Selfish Guy" na sariling komposisyon ng South Korean singer.
Saad ng singer-actress: “Daewon Lee is the perfect collaborator coz he’s a multi-talented Korean performer. I am so honored working with him.
“The first time I heard him singing in Tagalog, smooth talaga. Parang napag-aralan niya ng ilang years so I’m really proud of him.
“Actually, it’s my first time working with an international artist and for me, that’s perfect enough na.”
Pinag-aralan daw ni Aubrey ang wastong pagbigkas sa Korean words dahil may ilang linya sa "Selfish Guy" na Korean ang lyrics.
Inamin niyang hindi naging madali para sa kanya na i-record ang kanta nila ni Daewon.
“May ibang Korean words na po akong alam because I’m a fan of Korean dramas. Pero dun sa song, on the day ng recording, they taught me how to pronounce each words in Korean and they were very helpful.
“I am so glad na na-experience ko na mag-ibang language, kumanta ng ibang language.
“Recording wise, wala naman difference. Siguro, they’re just very hands-on sa lahat ng bagay, and I understand because it’s his song.
“Very technical siya. To be honest, nag-struggle ako but they were so very helpful.
"Nag-a-ask sila sa akin lagi ng ‘Are you still okay?’ Kasi sometimes napu-frustrate ako kapag hindi ko nakukuha yung notes. Saka siyempre nahihiya rin ako sa kanila.
“They were so very patient to me. Hindi nila ipinapa-feel sa akin na nagkamali ako or paulit-ulit ako sa certain parts. The song is kinda hard for me.”
Read: Vice Ganda praised for handling It's Showtime gaffes with poise