PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lino Cayetano, kinontra ang kapatid na si Alan Peter Cayetano

Lino Cayetano, hayagang kinontra ang kapatid na si Alan Peter Cayetano
by Jojo Gabinete
Published Sep 16, 2025
lino cayetano alan peter cayetano
Director-producer Lino Cayetano (left) on Senator Alan Peter Cayetano's (right) statement: "Hindi likas ang magnakaw, bumili ng boto, magsinungaling, at hindi din solusyon at absolusyon ang pag 'repent' lamang. We need the old guard to resign. We need a new set of leaders to emerge in this country."
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

Ang lantarang pagkontra ng direktor na si Lino Cayetano sa mga pahayag ni Senator Alan Peter Cayetano ang pruwebang hindi pa rin magkasundo ang magkapatid na matagal nang may malalim na hidwaan dahil sa pulitika.

Kumandidato si Lino bilang congressman ng First District ng Taguig City-Pateros sa halalan noong Mayo 2025, pero hindi siya pinalad magwagi.

Ang mahigpit na katunggali ni Lino na si Ricardo Cruz — na sinuportahan ni Senator Alan at ng misis nitong si Taguig City Mayor Lani Cayetano — ang nanalo.

Hindi sana malalaman ng publiko ang “family feud” sa pagitan ng magkapatid pero si Lino ang nagsiwalat ng katotohanan nang humarap siya sa mga miyembro ng entertainment media noong Nobyembre 2024.

Dito ay ipinagtapat niyang hindi na sila nag-uusap ni Senator Alan mula pa noong 2022.

Read: Lino Cayetano, inamin ang sigalot sa pamilya dahil sa pulitika

LINO REACTS TO SENATOR ALAN'S STATEMENT

Lumakas ang mga espekulasyong ang bago at hayagang pagbatikos ni Lino sa mga sinabi ni Senator Alan ang lalong magpapaigting sa kanilang hindi pagkakaunawaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-ugat ang pagpuna ni Lino sa kontrobersiyal na social media post ni Senator Alan noong Setyembre 14, 2025.

Nakasaad dito: “As a people, I’m not pointing fingers. We’re all guilty from vote buying to cheating, stealing and lying. What matters is repentance.”

Hindi pinalampas ni Lino ang deklarasyon ng nakatatandang kapatid.

Bilang sagot, isang mahabang mensahe ng pagkontra ang ibinahagi niya sa kanyang social media page.

Isinalarawan din ni Lino si Senator Alan bilang trapo o "traditional politician" na nag-uudyok para magalit ang mga tao.

Read: Curlee Discaya claims politicians, 120M Filipinos want them dead

Saad ng director-producer (published as is): "Hindi po ako agree dito. These are the kinds of statements from traditional politicians that spark anger.

"Kaya nag rerebolusyon ang GenZ at Millennials around the world. This is NOT OK.

"YES baka madaming politiko ang ganyan ang gawain — baka din may ilan sa pribado na nakiki-kuntsaba pero sa pangkalahatan — ang sambayanang Pilipino — lalo ang pangkaraniwang pamilyang Pilipino — sa Taguig man o saan man sa Pilipinas — ay God fearing, gusto ng tahimik at maayos na buhay — maitawid lang ang pangangailangan ng Pamilya lalo ang mga anak na nag aaral, asawang may sakit — maitaguyod ang maliit na negosyo, makauwi nang maaga sa bahay at wag ma traffic, wag ma biktima ng krimen, gumanda buhay ng walang naaagrabyado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang gusto ng nakararami ay maayos lang na buhay — wag maipit at mabiktima sa galaw ng mga makapangyarihan.

"Hindi likas ang magnakaw, bumili ng boto, magsinungaling, at hindi din solusyon at absolusyon ang pag 'repent' lamang.

"We need the old guard to resign. We need a new set of leaders to emerge in this country.

"For those who will 'repent', we need confessions and reform — sabi nga ng isang magaling na bagong cabinet secretary, hindi lang kaso — isoli ang pera ng tao — ituloy ang reporrma at tumulong ihanda ang susunod na set of leaders to lead our country the right way.

"Let’s not normalize corruption. Lets fight it!

Read: Zaldy Co, Martin Romualdez deny kickback claims by the Discayas

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director-producer Lino Cayetano (left) on Senator Alan Peter Cayetano's (right) statement: "Hindi likas ang magnakaw, bumili ng boto, magsinungaling, at hindi din solusyon at absolusyon ang pag 'repent' lamang. We need the old guard to resign. We need a new set of leaders to emerge in this country."
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results