Tahimik na dumating sa Pilipinas si Nicole Scherzinger at ang American R&B group na Boyz ll Men para magtanghal sa soft launch ng refurbished Meralco Theater noong Sabado, Setyembre 13, 2025.
Ang MVP Group of Companies ng businessman at TV5 CEO na si Manny Pangilinan ang nag-imbita kay Scherzinger at sa Boyz II Men para sa pribadong pagtatanghal.
Mga imbitado at dumalo sa naturang pagtitipon sina President Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, House Speaker Martin Romualdez, House Representative Toby Tiangco, at mga kilalang negosyante.
Noong Sabado ang ika-68 kaarawan ni Pangulong Marcos kaya nagkaroon ng haka-hakang inimbitahan ang mga world-class performers para sa selebrasyon ng araw ng pagsilang niya.
Pero nilinaw ng nag-organisa ng pagdiriwang ng MVP Group of Companies ang may kinalaman sa walang fanfare na pagdating at pagtatanghal sa soft launch ng Meralco Theater ng Boyz ll Men at ni Nicole.
Read: Hollywood actor Charlie Sheen recalls time in the Philippines for two films
Sino si NICOLE SCHERZINGER?
Si Nicole ay aktres, singer, dancer, TV host, at live performer na may dugong Pilipino at dating lead vocalist ng The Pussycat Dolls.
Mula sa commercial success ng Pussycat Dolls, lumipad pa ang career ni Nicole sa mga mas tradisyonal at tinitingalang mga larangan ng sining: ang West End ng Britain at ang Broadway ng Amerika.
Noong 2024, natanggap nito ang Laurence Olivier Award mula sa West End; at nitong 2025, sinundan niya ito ng Tony Award mula Broadway, parehong sa pagganap na Nora Desmond sa drama-musical na Sunset Boulevard.
Siya ay toast of the town, kumbaga.
Sa mga Filipino entertainment personalities, si Gary Valenciano ang mapalad na nakasalamuha kay Nicole. Ibinahagi nito sa social media ang mga larawan nila.
Binuksan sa publiko ang Meralco Theater, na kilala dati sa tawag na Meralco Auditorium, noong Marso 1969.
Makalipas ang matagal na panahon, nagpasya ang management na ipaayos ang lugar.
Nakasaad sa news release ng soft launch na naganap: “The newly refurbished Theater was likewise designed with its history in mind — equipped with improved acoustics, upgraded facilities and a renewed commitment to providing a venue worthy of global and local artists alike.
“The successful soft launch represents the first step in welcoming audiences back to the Meralco Theater.”
Read: Gary Valenciano, other Pinoy celebs react to Charlie Kirk's death