PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor, hindi misis ang babaeng kasama sa ibang bansa

Aktor, hindi nagtagumpay sa tangkang hindi makilala ng mga Pinoy.
by Jojo Gabinete
Published Sep 11, 2025
blind item aktor
PHOTO/S: Canva

Tinangka ng isang aktor na itago ang katauhan sa pamamagitan ng pagsusuot ng sombrero at sunglasses nang magtungo siya sa isang resort sa ibang bansa.

Pero hindi nagtagumpay ang plano ng aktor na maging incognito dahil nakilala pa rin siya ng mga Pilipino sa lugar na pinuntahan niya.

Naging magalang at mapagbigay naman ang aktor sa pagpapaunlak sa hiling na makunan ng souvenir photo, kasama ang mga kababayan natin.

Pero tiniyak niyang siya ang may hawak ng cellphone camera para sa kanilang groufie shot.

Read: Curlee Discaya claims politicians, 120 million Filipinos want them dead

THE MYSTERY COMPANION

May dahilan ang aktor kaya ito ang nagboluntaryong kumuha ng larawan.

Ito ay para hindi mahagip ng camera ang mystery companion niya.

May asawa at mga anak ang aktor pero ibang babae ang kasama nito sa pagbabakasyon.

Inunawa naman ng mga Pilipinong nakasalamuha ng aktor sa resort ang kanyang pagiging mailap.

Nalaman ng mga Pilipino ang pangalan ng babaeng kasama ng aktor, pati na ang pakay nila sa pagpunta sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang malinaw na kasagutan sa kanilang mga katanungan at pagtataka dahil hindi ang misis niya ang kasama ng aktor.

Read: Congressman Arjo Atayde on Discayas: "I’ve never dealt with them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results