Malinaw na narinig at napanood sa telebisyon ang malutong na pagmumura ni Ako Bicol Party-List Representative Alfredo Garbin Jr.
Walang kamalay-malay ang mambabatas na on-air na siya sa live broadcast interview sa kanya ni Cheryl Cosim para sa One Balita Pilipinas, ang news program ng Cignal TV.
Nakipag-ugnayan si Cosim kay Garbin nitong Lunes ng tanghali, Setyembre 8, 2025, para magtanong tungkol sa karamdaman ni Representative Zaldy Co, ang kasamahan ni Garbin sa Ako Bicol Party-List.
Inaakusahan ni Navotas Congressman Toby Tiangco si Co na siya umanong proponent ng bilyun-bilyong insertions sa pondo ng infrastructure projects ng pamahalaan.
Read: Zaldy Co, Martin Romualdez deny kickback claims by the Discayas
“E, p*t*ng ina!” pagmumura ni Garbin nang ipakilala ni Cheryl ang kongresistang nakausap niya sa pamamagitan ng phone-patch interview.
Hindi nagpakita si Cheryl ng pagkabigla, pagkasindak, o pagkataranta sa narinig mula kay Garbin.
Bilang paalaala, sinabihan niya si Garbin ng “Cong… Cong, you’re on the air.”
WHERE IS ZALDY CO?
Nang itanong ni Cheryl ang kinaroroonan ni Co, ito ang sagot ni Garbin: “As I’ve said earlier, Cong. Zaldy is still in the United States."
Kailan sila huling nagkausap ni Co?
lahad ni Garbin: “I think that was two or three days ago na nakapag-usap kami and lahat naman ho nasabi ko na.
“He was there on a medical checkup. As I’ve said, he has this heart ailment na kumbaga…
"Since last year pa ito. November pa and, in fact, as early as July 2025, he was abroad already for his medical consultative… yeah, ganoon po.
“He is okay except that he’s waiting for mga ano ng kanyang doktor.
"Wala akong masyadong detalye, kinumusta ko lang po and that’s why I was able to share yung kanyang kalagayan.”
Read: Congressmen Arjo Atayde, PM Vargas, Roman Romulo deny Discaya allegations
ZALDY CO KNOWS
Naniniwala si Garbin na alam ni Co ang lahat ng mga nangyayari sa Pilipinas, kaugnay ng malaking eskandalo sa flood control projects na diumano’y kinasasangkutan ng tiyo ng lifestyle vlogger na si Claudine Co.
Aniya, “I think he’s updated and if a summon to answer all those, as long as it is a valid allegations, then he will answer.
"In fact, I think he will issue a statement."
Sa inilabas na statement ni Co ay pinabulaanan niya ang mga alegasyon laban sa kanya.
Saad ng mambabatas: "I vehemently deny all the baseless and irresponsible accusations made against me during the Senate hearing held today.
"These unsubstantiated claims, which attempt to implicate me are not only hearsay but are also politically motivated designed to mislead the public and deflect accountability."
Read: Zaldy Co, lalong nadiin dahil sa pamangkin na si Claudine Co