PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

K-drama actor Joo Jong Hyuk kabisado ang "Lupang Hinirang"

K-drama Confidence Queen, kinunan ang ilang mga eksena sa Pilipinas.
by Jojo Gabinete
Published Sep 8, 2025
joo jong hyuk confidence queen
K-drama actor Joo Jong Hyuk reveals that he lived in the Philippines for two years and studied in an international school in Baguio City.

Kinunan sa ilang lugar sa Pilipinas ang mga eksena ng K-drama na Confidence Queen na pinagbibidahan nina Park Min Young, Park Hee Son, at Joo Jong Hyuk.

Isa ito sa dahilan kaya naengganyo ang mga Pilipino na panoorin ang South Korean series na nag-umpisang mapanood sa Prime Video noong Setyembre 6, 2025.

Ang Ninoy Aquino International Airport; Dampa sa Farmers Market, Cubao, Quezon City; ang isang bar sa Tomas Morato, Quezon City; at ang beach resort sa Palawan ang ilan sa mga lugar na ginamit para sa mga eksena ng Confidence Queen.

Read: Charlie Sheen, nag-confess na "sex addict"; alleged sexual abuse kay Corey Haim, naungkat

Kilala ng maraming K-drama fans si Joo Jong Hyuk dahil siya ang gumanap na karibal ng karakter ni Park Eun Bin sa isang law firm sa hit series na Extraordinary Attorney Woo.

Top actress naman sa South Korea si Park Min Young na sumikat nang husto nang magbida noong 2018 sa What’s Wrong With Secretary Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
confidence queen stars
Confidence Queen stars (from left) Park Hee Son, Park Min Young, and Joo Jong Hyuk.

JOo JONG HYUK'S CONNECTION TO PH

Nadagdagan ang interes ng mga Pilipino kay Joo Jong Hyuk nang malaman nila ang Philippine connection ng 34-year-old actor.

Nanggaling mismo kay Park Min Young ang impormasyon nang sabihin nitong nagmula rin sa Pilipinas ang kanyang co-actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagtapat ni Joo Jong Hyuk sa isang panayam ang dalawang taong pag-aaral niya sa isang international school sa Baguio City noong high school student siya.

Hanggang ngayon, nakakaintindi at nakapagsasalita si Joo Jong Hyuk ng Tagalog at memoryado niya ang Philippine National Anthem.

Bilang patunay, kinanta ni Joo Jong Hyuk ang unang linya ng "Lupang Hinirang," ang “Bayang magiliw, Perlas ng silanganan.”

Dahil dito, lalo siyang napamahal sa Filipino K-drama fans.

Sa mga Pilipinong pagkain, ang Andok’s chicken ang natatandaan ni Joo Jong Hyuk na paborito niya.

Kasunod nito ang pagsasabi niya ng "Magkano ito?" at "Magandang umaga."

Remake ng 2018 Japanese drama na Confidence Man JP ang Confidence Queen na may kinalaman ang kuwento sa tatlong scammers na naghihiganti sa mga taong sakim sa pera at kapangyarihan.

Read: BLIND ITEM: Aktor, casting couch victim; gustong isiwalat ang mapait na karanasan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
K-drama actor Joo Jong Hyuk reveals that he lived in the Philippines for two years and studied in an international school in Baguio City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results