Ang pagbabakasyon sa France ang gantimpala ni Janine Teñoso sa sarili pagkatapos ng kanyang sold-out concert na magaganap ngayong Sabado, Setyembre 6, 2025, sa New Frontier Theater,Cubao,Quezon City.
Matagal nang nakaplano ang pagpunta ni Janine sa France dahil gusto niya na bisitahin ang kanyang kapatid na si Kyra Luthi na naninirahan sa naturang bansa.
"Uuwi ako kina Ate. Yun po ang aking reward, mag-spend po ako ng time sa France. Siguro, mga two weeks po.
"Sasabay po ako sa kanya, pabalik sa France dahil uuwi siya para manood ng concert ko," ang pahayag ni Janine nang makausap siya ng Cabinet Files.
Read: Andi Eigenmann hits back at bashers calling her kids “madungis”
JANINE TENOSO FIRST MAJOR CONCERT
Ang pagtatanghal sa New Frontier ang kauna-unahang major concert ni Janine kaya malaki ang kontribusyon nito sa pagpili ng mga special guest at mga kanta na aawitin niya.
Tiniyak ni Janine na may kinalaman at naging bahagi ng kanyang singing career ang mga invited performer tulad nina Arthur Nery, Rob Deniel, The Juans, Cup of Joe, at Rabin Angeles.
"Very hands-on po talaga ako from the creative direction to the areglo ng songs and just to see it all na ma-align sana in the way I envisioned it.
"But I know I am supported by an amazing band, an amazing director and by an amazing production staff."
Read: Judy Ann Santos at Marian Rivera, inisnab ng Gawad Urian
JOURNEY IN MUSIC INDUSTRY
Mapapanood sa self-titled concert ni Janine ang pag-uumpisa ng paglalakbay niya bilang singer at maririnig ang mga kanta na kanyang isinulat noong teenager pa siya.
"Honestly, it’s why it’s also entitled Janine because ipapakita ko ang mga song na ni-release ko before because I started in the industry when I was 17 years old," lahad ni Janine.
"So siyempre, iba ang boses ko noong 17 ako. Iba rin po akong magsulat ng mga kanta noong 17 ako at iba rin ang mga kinakanta ko.
"It’s going to be a narrative type of concert dahil ikukuwento ko po talaga kung ano ang beginning of Janine’s career and to where she is at right now," ang lahad ni Janine.
May paliwanag siya tungkol sa napansin na malulungkot na kanta na kanyang nililikha.
Paliwanag niya: "All of my songs are really related to what I’ve been going through.
"For me, I guess, mas nasasabi ako kapag may depth ang emotion and usually, kapag in deep ako sa emotion, it’s usually when I am sad, as unfortunate as it may sound."