Trigger warning: sexual abuse, drugs
Ang rebelasyon ng 60-year old popular American actor na si Charlie Sheen na nakikipagtalik siya sa mga lalake ang dahilan para muling maungkat ang akusasyon na diumano'y sekswal na pang-aabuso niya sa Canadian actor na si Corey Haim.
Naganap umano ang insidente nang magkasama sila sa pelikulang Lucas noong 1986.
Ipinagtapat ni Sheen ang iniingatan nitong lihim na sexual relationship sa mga kalalakihan sa aka Charlie Sheen, ang Netflix documentary tungkol sa buhay niya, na nakatakdang ipalabas simula sa Setyembre 10, 2025.
Mapapanood sa aka Charlie Sheen ang kuwento ng aktor na nag-umpisa ang pakikipagtalik niya sa mga kalalakihan noong lulong siya sa paggamit ng ipinagbabawal na droga.
"Sex addict" ang pagsasalarawan ni Charlie sa sarili.
Itinago raw niya ang pakikipagtagpo sa mga lalake dahil sa naranasan na extortion.
Para kay Charlie, mas madali ang magbayad siya dahil sa pag-asang kinalaunan, mawawala rin ang isyu.
Pero nang tumagal, parang hostage ang kanyang pakiramdam.
Noong 2015, isiniwalat ni Charlie na positibo ito sa HIV at huminto na siya sa paggamit ng illegal drugs.
"Liberating" ang sagot ni Charlie nang tanungin ito tungkol sa pagsasapubliko niya sa kanyang pagpatol at pakikipagtalik sa mga kalalakihan.
Read: AZ Martinez opens up about late alcoholic father, battered mother
COREY HAIM REVEALED HE WAS A VICTIM OF SEXUAL ABUSE
Gaya ni Charlie, nalulong sa paggamit ng illegal drugs si Corey Haim.
Pumanaw si Haim noong Marso 10, 2010 dahil sa pneumonia.
Ilang taon bago sumakabilang-buhay si Haim, ibinulgar nito na biktima siya ng pang-aabuso sa edad na 13, pero hindi niya pinangalanan ang gumawa sa kanya ng karahasan.
Sinabi ni Haim na kilala ng kaibigan niya, ang American actor at musician na si Corey Feldman ang taong umabuso sa kanya.
Read: John Lloyd Cruz invites Bea Alonzo, Vincent Co to his house
COREY FELDMAN'S MEMOIR
Inilahad ni Feldman sa 2013 memoir nito na Coreyography na pareho sila ni Corey na mga biktima ng sexual abuse.
"Haim had been tricked into engaging in a painful session of anal sex by a man on the movie set.
"The man told Haim that sex between men and boys was normal in Hollywood," ang nakagugulat na rebelasyon ni Feldman tungkol sa karanasan nila ni Corey noong mga batang aktor pa sila.
Sa panayam ng National Enquirer sa aktor na si Dominick Brascia, sinabi nito na si Charlie ang nanggahasa umano kay Corey sa set ng Lucas.
Diumano, 19 years old noon si Charlie samantalang 13-years old si Haim nang magsama ang dalawa sa Lucas noong 1986.
(Taong 1986 nang namalagi si Charlie sa Pilipinas para sa shooting ng Platoon, ang pinagbidahan niyang award-winning war movie kasama sina Tom Berenger, Johnny Depp at Willem Dafoe).
Itinanggi ni Charlie ang paratang at nagsampa siya ng kaso laban sa National Enquirer, pero naareglo ito noong 2018.
Read: Discaya firm, kakasuhan sa palyadong PH Film Heritage Building
COREY FELDMAN NAMES CHARLIE SHEEN IN DOCU
Noong March 2020, naglabas si Feldman ng documentary, ang My Truth: The Rape of 2 Coreys.
At dito niya ipinagtapat ang panggagahasa ni Charlie kay Haim, na detalyado umano na ikinuwento sa kanya ng namayapang kaibigan niya.