PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga Pinoy, nakaka-relate sa mass protests sa Indonesia

Mass protests sa Indonesia, di malayong mangyari rin sa Pilipinas.
by Jojo Gabinete
Published Sep 3, 2025
indonesia mass protests
Indonesians initially took to the streets over lack of jobs, the cost of living, and new housing allowances for lawmakers that are 10 times higher than Jakarta's minimum wage. The demonstrations then escalated when a 21-year-old motorcycle taxi driver died after being run over by a police vehicle.
PHOTO/S: Twitter

Pinangangambahang maaaring mangyari sa Pilipinas ang malawakan at bayolenteng kilos-protesta sa Indonesia.

Ito ay dahil sa napakatinding isyu ng korapsyon, paggastos, at paglapastangan sa kaban ng bayan na kinasasangkutan ng mga opisyal ng pamahalaan at ng mga kontratista ng mga proyekto ng gobyerno.

Read: Direk Joey Reyes, Mayor Vico Sotto urge accountability in Senate flood probe

Nag-umpisa ang pagtitipun-tipon sa kalye ng mamamayan ng Indonesia noong Agosto 25, 2025.

Nag-ugat ito sa maigting nilang pagtutol sa desisyon ng pamahalaan na dagdagan ang mga benepisyo at buwanang allowance ng mga miyembro ng parliyamento sa panahong malaki ang kanilang problema sa ekonomiya kaya may hakbang na pagtitipid ang gobyerno ni Presidente Prabowo Subianto para sa middle-class earners.

Nakadagdag sa galit ng mga taga-Indonesia nang makita ang masayang pagsasayaw ng ilang miyembro ng parlamiyento nang ianunsiyo ang dagdag sa kanilang allowance at benepisyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Agosto 28, tuluyang sumiklab ang karahasan sa mga kilos-protesta dahil sumabog na ang galit ng mga estudyante at mga manggagawa sa labis na sahod at mga benepisyo para sa mga mambabatas.

Pinaratangan nila ang mga nasa pamahalaan na walang malasakit sa mga paghihirap na dinaranas ng mga ordinaryong mamamayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umabot sa sukdulan ang galit ng mga Indonesian dahil sa pagkamatay ni Affan Kurniawan, ang 21-year-old food delivery rider na walang kinalaman sa kilos-protesta at maghahatid lamang ng pagkain.

Binawian ng buhay si Kurniawan nang banggain siya ng armored vehicle ng mga pulis na sumasaway sa mga demonstrador.

Read: Sarah Discaya, ginisa ng mga senador sa Senate hearing

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MASS PROTESTS IN INDONESIA

Nadagdagan ang mga kilos-protesta sa mga lungsod ng Indonesia bilang pagpapakita ng galit at simpatiya sa pagpanaw ni Affan.

Sinugod at pinagnakawan ng mga nagagalit na tao ang tahanan ni Finance Minister Sri Mulyani Indrawati at ng tatlong miyembro ng parliyamento.

Tinangay ng mga demonstrador ang mga kagamitan ni Indrawati tulad ng mga silya at mamahaling paintings.

Sinunog din nila ang gusali ng provincial council sa Makassar, ang capital city ng South Sulawesi, na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Linggo, Agosto 31, inihayag ni President Subianto sa isang live broadcast na babawiin o pawawalang-bisa na ang kontrobersyal na benepisyo para sa mga mambabatas.

Nakikita itong isang solusyon para mahinto na ang mga kilos-protesta at karahasang sumubok sa kanyang kakayahan bilang presidente ng Indonesia.

Nag-trend sa X Philippines ang karahasan na nagaganap sa Indonesia noong weekend dahil sa komento ng mga Pilipino na dismayadong-dismayado sa isyu ng korapsyon at pangungurakot ng mga kontratista at ng mga halal na opisyal sa kaban ng bayan.

Nagbabala silang posibleng mangyari sa Pilipinas ang mga nagaganap sa Indonesia dahil sagad na rin ang pasensiya ng mga mapagpatawad na Pilipino sa mga magkakakuntsaba na kontratista at mga opisyal ng pamahalaan.

Read: Who is Sarah Discaya?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Indonesians initially took to the streets over lack of jobs, the cost of living, and new housing allowances for lawmakers that are 10 times higher than Jakarta's minimum wage. The demonstrations then escalated when a 21-year-old motorcycle taxi driver died after being run over by a police vehicle.
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results