Eksaktong isang taon ngayong araw, Setyembre 3, 2025, nang ma-stroke ang komedyanteng si Juliana Parizcova, Tyrone James Ortega sa tunay na buhay, noong 2024.
Pero ngayon lamang nalaman ng publiko ang pagsubok sa kalusugan na kanyang pinagdaanan.
Kabilang si Juliana sa mga opisyal na kandidata ng Miss Mandirigma Philippines 2025, ang beauty pageant na magaganap ang coronation night sa Lagao Gymnasium, sa General Santos City, sa Setyembre 4.
Read: Who is Sarah Discaya?
JULIANA PARIZCOVA: REAL-LIFE WARRIOR
Kung anuman ang kahihinatnan ng kanyang pagsali sa naturang patimpalak, napatunayan na ni Juliana ang pagiging tunay na mandirigma dahil nalampasan niya ang malungkot na karanasan.
“Yung recovery po, first month, naka-wheelchair ako, and then the next two to three months, nagtutungkod na lang ako.
"Kasi kahit nung first week pa lang akong na-stroke, pinilit kong mag-therapy agad,” pagbabahagi ni Juliana nang makipag-ugnayan sa kanya ang Cabinet Files ngayong Miyerkules, Setyembre 3.
Patuloy niya: “Pinilit ko talaga na araw-araw, nagte-therapy ako para mabilis yung recovery ko. Though hanggang ngayon, nagte-therapy pa rin ako.
“I think forever na yung therapy ko dahil according sa doktor, yung katawan ko, hindi na siya babalik one hundred percent sa dati.
"So ngayon, mabigat yung right side ng kamay, mabigat yung right side ng tiyan, right side ng leg. Mabigat talaga siya.
“Pero at least nakakagalaw na ako nang maayos. Mukha nang normal, ganyan.”
Read: Mayor Vico Sotto, nag-react sa pagharap ni Sarah Discaya sa Senado
JULIANA, THE BREADWINNER
Iniyakan ni Juliana ang pagkakasakit.
Pero umiyak daw siya hindi para sa sarili kundi para sa nanay niya at sa mga taong umaasa sa kanya.
Si Juliana ang breadwinner ng pamilya, at ang kinabukasan ng kanyang ina ang inalala raw niya nang labis kaya nagpagaling siya sa abot ng makakaya.
Saad niya: “Ang motivation ko siyempre para sa nanay ko, para sa mga taong umaasa sa akin.
“Na kailangan ko talagang gumaling, kailangan kong lumakas.
"Yun talaga ang idinasal ko sa Diyos na sana bigyan pa ako ng maraming lakas dahil ang dami ko pang kailangan gawin.
“At nagpapasalamat ako dahil mabilis ang progress ng recovery ko.
"Nakapagtrabaho ako agad. After six months, nag-back to work ako.”
Read: Who is Claudine Co?
ON WHY JULIANA KEPT HER CONDITION FROM THE PUBLIC
Bakit pinili ni Juliana na ilihim sa publiko ang nangyari sa kanya?
Paliwanag niya: “Pinili kong huwag nang isa-public yung nangyari sa akin. Unang-una kasi bawal talaga ang ma-stress so ayokong ma-stress.
“I think hindi naman as totally pivate yung nangyari sa akin. May iilang tao pa rin na nakakaalam sa nangyari sa akin.
"Because I asked for prayers from the people na naniniwala, nagmamahal, at sumusuporta sa akin.
"Pero yung sabihin natin sa publiko na hindi naman talaga nakakakilala sa akin, dun ko lang inilihim.”
MISS MANDIRIGMA PHILIPPINES 2025
Sa kanyang paglahok sa Miss Mandirigma Philippines 2025, wala raw inaasahan si Juliana.
Pero ayon sa kanya: "I am praying and hoping na mag-align ang stars para sa akin at makapag-perform ako nang maayos.
“To be honest, sabi ko sa sarili ko dati, hindi na ako sasali sa mga pageant. Parang tapos na ako sa mga pageant.
"Pero since na-stroke ako last year, tapos sinabi ng doktor na isa na akong PWD, yun ang nag-trigger sa akin para mag-try sa national pageant.
“This time, gusto ko naman na ang maging kuwento is hindi hadlang ang pagiging PWD to achieve your dreams as long as may determination ka.
“Yun ang pinakagusto kong maging spotlight ng story, hindi yung stroke ko, hindi ang naging sakit ko.”
Si Juliana ang iinanghal na kauna-unahang Miss Q&A ng It’s Showtime noong June 2018.
Read: Barbie Forteza meets Jameson Blake's mother; visits his house