PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Michael V., "nadawit" sa pagharap ni Sarah Discaya sa Senado

Kahawig nga ba ni Sarah Discaya ang comedian na si Michael V.?
by Jojo Gabinete
Published Sep 1, 2025
sarah discaya michael v
Amid the heated debate about Sarah Discaya's (left) appearance at the Senate Blue Ribbon committee, some netizens notice the resemblance of the embattled contractor to veteran comedian Michael V. (right).
PHOTO/S: Facebook

Ilang oras na ang nakalilipas buhat nang matapos ang pagharap ni Sarah Discaya sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry para sa imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects nitong Lunes, Setyembre 1, 2025.

Pero hanggang ngayong gabi, trending ang kanyang pangalan sa social media platform na X (dating Twitter).

Read: Mayor Vico Sotto, nag-react sa pagharap ni Sarah Discaya sa Senado

Tinutukan ng maraming Pilipino ang pagsasalita at pagbibigay-linaw ni Sarah tungkol sa nakalululang kayamanan ng kanyang pamilya, tulad ng pag-aari nilang 28 luxury cars na ginagamit umano ng mga anak niya sa pagpasok sa paaralan.

Sandaling napahinga si Sarah sa mga batikos dahil natuon ang pansin ng netizens sa mga kamag-anak ng ibang mga kontratistang binansagang "Nepo Babies" at "Disney Princesses" na ipinagyayabang din ang mararangyang pamumuhay.

Pansamantala lamang ang paghinto ng mga nagagalit na Pilipino sa pagpuna sa lavish lifestyle ng "Disney Princesses" dahil sa pagharap ni Sarah, na hindi na isang munting prinsesa, sa Senado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcasters over Discaya interviews

SARAH DISCAYA AND MICHAEL V

Nagkaroon ng comic relief ang pag-iimbestigang ginawa ng Senate Blue Ribbon Committee kay Sarah dahil sa obserbasyon ng mga Pilipinong malikhain ang imahinasyon na may pagkakahawig ang controversial contractor sa comedian na si Michael V.

sarah discaya meme
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa mga social media post tungkol sa pagiging magkahawig nila ni Sarah, may mga naniniwalang isa sa mga araw na ito, hindi malayo ang posibilidad na mapanood sa Bubble Gang ang parody ni Michael V. sa kontrobersiyal na contractor.

Si Sarah ay notoriously popular dahil sa mga kayamanang ipinangalandakan nila ng kanyang asawang si Curlee sa mga panayam sa kanila.

Read: Sarah at Curlee Discaya, minumulto ng pagpapakita nila ng yaman

CELEBRITIES AT ST. GERRARD'S CHRISTMAS PARTIES

Hindi rin pinaligtas ng mga nagagalit na Pilipino ang mga artistang naging bahagi at nagtanghal sa magarbong Christmas party ng St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corp. noong Disyembre 2023 at Disyembre 2024.

Ang St. Gerrard ang construction company ng mga Discaya na tumanggap ng bilyun-bilyong salapi mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga proyekto ng pagpapagawa ng mga kalsada, tulay, at flood control.

Nagtatrabaho lamang ang mga artistang inimbitahan sa naturang Christmas party na mapapanood ang video sa Instagram account ng St. Gerrard, pero pinararatangang nagkaroon din ng “uling” ang kanilang mga kamay dahil tumanggap sila ng malalaking talent fee mula sa mga bilyun-bilyong kinita ng mga Discaya sa mga proyekto ng gobyerno.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: All 38 featured vehicles of the Discaya family and their prices

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amid the heated debate about Sarah Discaya's (left) appearance at the Senate Blue Ribbon committee, some netizens notice the resemblance of the embattled contractor to veteran comedian Michael V. (right).
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results