Bumaha sa maraming lugar sa Metro Manila, lalo na sa Quezon City, dahil sa malakas na buhos ng ulan nitong Sabado, Agosto 30, 2025.
Pinasok ng tubig ang loob ng mga bahay, inanod ang mga kagamitan, at lumubog ang maraming sasakyan.

Nagkaroon ng masikip na trapiko sa EDSA, at libu-libong Pilipino ang stranded sa kalsada dahil sa kawalan ng mga sasakyan.
Read: Rabiya Mateo, may bagong pag-ibig?

Kaya lalong sumiklab ang galit ng sambayanan sa mga contractors ng mga flood-control projects na diumano'y nagnakaw mula sa kaban ng bayan.

Habang hirap na hirap ang mga taong dapat sana ay nakikinabang, puro pasarap ang mga kapamilya at kamag-anak nilang ipinangangalandakan ang mga kayamanan at karangyaan sa social media.
Binansagan silang "Iskolar ng Bayan,” "Nepo babies," at Disney Princesses."
Read: Kathryn Bernardo excited to work with James Reid
EDU MANZANO'S SATIRE POSTS
At habang deactivated ang mga YouTube channels at pribado na ang mga social-media accounts nila, ang Facebook page ni Edu Manzano ay kasalukuyang dinarayo dahil sa kanyang mga satire posts na naghahatid ng saya at seryosong patama sa mga may sala.
Libu-libo ang likes at daan-daan ang bilang ng mga komento.
Tampok sa posts ang AI-generated image ng host-actor na nakasuot ng silk robe at may caption na: “Saturday morning. Walang site visit, walang stress. Just Laduree, Rolls-Royce payong, at taxpayer money brewed to perfection.”

Marami ring pinasaya si Edu sa post niya habang nasa loob ng isang luxury car.
Ang caption: “ Second day at work…pero abot na hanggang second life ang budget ko. HERMES MUNA BAGO SEMENTO."
Pati ang mga hashtags ay nakakaaliw: #DreamsDoComeTrue, #SumaksesDin, at #RoadToBulsa.

May isa pang posts na nasa construction site at may caption na, “Relax guys. Ako na ang bahala sa road to forever. Bill! Bill! Bill!”
Samantala, ang ibang artista pati na rin mga ordinaryong tao ay kanya-kanyang post o comment o reshare din tungkol sa issue.
Sana lang ay magtanda ang mga Pilipino sa mga nangyayaring ito.
Sana ang lahat ng ito ay hudyat tungo sa pagbabago.