Kinumpirma ni Cristine Reyes na masaya siya ngayon, pero hindi muna siya nagbigay ng detalye tungkol sa katauhan ng nagpapasaya sa kanya.
“Yes,” sagot ni Cristine sa tanong na "Are you happy now?"
Nakangiti naman siyang tumango nang tanungin, "Are you dating someone new, non-showbiz?"
Dagdag ni Cristine, “Siguro mas kalmado yung life. Mas binded.”
Read: Are Cristine Reyes and Gio Tingson in a relationship?
Hindi pa isinasapubliko ni Cristine ang pagkakakilanlan ng bago niyang idine-date, ngunit noong Hulyo ay kumalat ang ilang larawan ni Cristine kasama ang isang non-showbiz guy.
Napag-alaman na ang kasamang lalaki ng aktres ay si Gio Tingson, na naging National Youth Commission chairperson mula 2014 hanggang 2016.
Si Gio mismo ang nagbahagi sa kanyang Instagram account ng ilang litrato nila ni Cristine na kuha sa Vietnam.

Hindi maipagkakailang blooming ngayon si Cristine dahil maaliwalas na maaliwalas ang kanyang hitsura nang makausap ng entertainment press sa Beauty Con nitong Biyernes, Agosto 29, 2025.
Ang aktres ang brand ambassadress ng The Lab by Blanc Doux, isa sa mga produkto ng Viva Beauty.
CRISTINE REYES ON BREAKUP WITH MARCO GUMABAO
Sa beautycon kanina, tinanong si Cristine kung ayaw na ba niyang makipag-date sa taga-showbiz.
Tugon niya: “Hindi naman.
"Yung mga ganyang bagay hindi mo naman masyadong pinaplano, di ba? Dumadating na lang."
Bagamat tipid ang kanyang mga salita, hindi naman naging maramot si Cristine sa pagsagot nang usisain tungkol sa breakup nila ng aktor na si Marco Gumabao.
“I think just leave it to us na lang para respeto namin yun sa isa’t isa. Super okay kami,” mahinahon na sabi ni Cristine, na kumpirmasyong nagwakas na ang relasyon nila ni Marco.
Read: Ara Mina, ano ang alam sa rumored breakup nina Cristine at Marco?
CO-PARENTING WITH EX-HUSBAND ALI KHATIBI
Kinumusta naman ng Cabinet Files ang co-parenting setup nila ng kanyang ex-husband na si Ali Khatibi para sa kanilang anak na si Amarah.
Muli, naging mapagbigay si Cristine sa pagbabahagi ng mga nangyayari sa kanyang personal na buhay.
“We’re really co-parenting po. Kapag may mga kailangan naming i-address kay Amarah, we talk to Amarah, kami pareho,” sabi niya.
Napangiti naman si Cristine nang purihin ang kanyang maturity at malawak na pang-unawa.
“We experienced a lot in life and kailangan natin mag-grow,” reaksiyon niya.
Read: Ali Khatibi's partner thanks Amarah for attending stepbrother's dedication
Hindi raw nawawalan ng panahon si Cristine kay Amarah, na sinasamahan niya sa mga sinasalihan nitong gymnastic tournaments sa ibang bansa.
View this post on Instagram
Lahad ng aktres: “Kapag tournaments naman, meron po yang schedule ahead of time, like ibinibigay nila mga three months ahead, kasi they have to train.
"So I know already to block it that’s why I’m always there.”
Papayagan ba niya si Amarah na pumasok sa showbiz?
“Papayagan ko siyang mag-showbiz, siguro po priority niya for now is school and then eventually, puwede naman kung gusto niya talaga,” saad ni Cristine.
Natuwa ang akres nang may nagsabing napakasuwerte ni Amarah dahil siya ang naging ina ng kanyang anak.
“Wow, ang sarap sa pakiramdam na naririnig yan!" sambit niya.
"Actually, nag-usap kami ni Amarah the past few days. Sabi ko sa kanya, 'The things that I have been doing to you are the things that I have never experienced when I was young.'
“Very hands-on mom talaga ako sa kanya lalo na kapag walang work.
"Bumabawi naman ako sa kanya ng travel kapag kunwari naging busy ako sa isang project. And after that project, meron naman kaming trip together.”
Hindi na raw mabilang ni Crristine ang mga bansang pinuntahan nila ni Amarah.
Read: Alden Richards refuses to comment on Maine Mendoza's revelation