PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tax evasion, ikakaso sa mga nagbabalandra ng lavish lifestyle

Bilang na ba ang masasayang araw ng influencers na nagbabalandra ng yaman?
by Jojo Gabinete
Published Aug 28, 2025
bir chieg romeo lumagui jr.
BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. on individuals violating tax compliance: "Itatrato po natin na tax evasion po yun. Taxable po yan kahit man ill-gotten wealth yan at hindi ni-report sa income ay puwede rin nating singilin ng buwis po yan."
PHOTO/S: Romeo "Jun" Lumagui Jr. Facebook

Tax evasion ang kasong maaaring isampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa mga taong ipinangangalandakan ang kanilang kayamanan pero hindi nagbabayad ng kaukulang buwis.

Ito ay ayon kay Commissioner Romeo Lumagui Jr. sa panayam sa kanya ni Ted Failon sa radio program nito sa True FM ngayong Huwebes, Agosto 28, 2025.

Ang BIR ang kinakalampag ng publiko para tugisin ang influencers na kamag-anak ng mga kontratista, mga inihalal na opisyal ng pamahalaan, at mga mambabatas na ibinabalandra at ipinagmamalaki sa social media ang kanilang marangyang pamumuhay.

Ang mga pangalan nina Claudine Co, Gela Alonte, at Jammy Cruz ang ilan sa mga madalas binabanggit ng netizens. Ito ang dahilan kaya deactivated, limitado na ang puwedeng magkomento, at pribado na ang social media accounts nila.

Ito ay para na rin siguro makaiwas sila sa masasakit na batikos na natatanggap.

Read: Vlogger Claudine Co, binabatikos dahil sa pagbalandra ng lavish lifestyle

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BIR TO FILE TAX EVASION AGAINST THOSE WHO DIsPLAY LAVISH LIFESTYLE

Ang mainit na usapin ngayon tungkol sa isyu ng influencers at vloggers na nagbabalandra ng kanilang lavish lifestyle ang tinalakay ni Failon sa kanyang radio program.

Tinanong kay Lumagui ang tungkol sa aksyong puwedeng gawin ng BIR sa paglalantad o pagyayabang ng mga kamag-anak ng mga kilalang kontratista at umano’y miyembro ng Kongreso.

Bahagi ng tanong ni Failon: “Yung ipinangangalandakan yung mga eroplano nila. Yung mga pinamimili nilang mamahaling mga bagay. Kaya ninyo ba rin suriin yung tax compliance ng pamilyang ito?”

Read: Sarah at Curlee Discaya, minumulto ng pagpapakita nila ng yaman

Ayon kay Lumagui, may kakayahan ang BIR na magsuri ng mga ibinabayad na buwis, pero nilinaw niyang ang tax compliance lamang ang nasasakupan ng kanyang tanggapan.

Pahayag niya: “Kaya naman po although ang sakop lang po natin ay tax compliance. Hindi po yung kumbaga anti-graft and corrupt practices.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi po yun ang sakop natin. Pero kapag may mga ganyan po, puwede pong ibigay sa amin yung impormasyon.

"At ang gagawin lang po natin, kung commensurate [tugma] yung kinikita niya sa mga ari-arian niya.

"At sisingilin po natin yan ng karagdagang buwis kung merong hindi binayaran na buwis.

"At kung puwede ring magsampa ng kasong tax evasion kung hindi tugma yung kanyang reported income sa asset niya."

Dagdag pa ni Lumagui: “Ibig sabihin po niyan ay itatrato po natin na tax evasion po yun.

"Taxable po yan kahit man ill-gotten wealth yan at hindi ni-report sa income ay puwede rin nating singilin ng buwis po yan."

Read: Mayor Vico Sotto: Contractors’ kin’s display of wealth not inspiring

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. on individuals violating tax compliance: "Itatrato po natin na tax evasion po yun. Taxable po yan kahit man ill-gotten wealth yan at hindi ni-report sa income ay puwede rin nating singilin ng buwis po yan."
PHOTO/S: Romeo "Jun" Lumagui Jr. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results