Ipinagtanggol ng mga dating artistang sina Monica Herrera at Lito Gruet ang broadcaster na si Julius Babao laban sa matinding batikos at panghuhusgang kinahaharap nito ngayon.
Nag-ugat ang pambabatikos kay Julius dahil sa pagpuna ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa dating panayam ng broadcaster sa mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya.
Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcasters over Discaya interviews
Itinanggi ni Julius ang mga haka-hakang tumanggap siya ng "PHP10 million" kapalit ng exclusive interview niya sa Discaya couple noong Setyembre 2024 na mapapanood sa kanyang Unplugged YouTube channel.
Sa kabila ng pagtanggi ni Julius, biktima pa rin siya ng mga paninira ng mga taong ayaw tanggapin ang kanyang paliwanag.
Read: Julius Babao, itinangging tumanggap ng P10M sa Discaya interview
MONICA HERRERA
Ayaw raw sanang makisawsaw sa isyu ng dating aktres na si Monica Herrera, pero pinili niyang magsalita sa Cabinet Files upang depensahan ang embattled broadcast journalist.
“As much as possible ayoko na sanang makisali sa issue, pero since I respect Julius, ito lang ang masasabi ko....
"Julius Babao once interviewed me for his YouTube channel [noong Disyembre 2023], and I was deeply surprised when he generously gave me PHP50,000 for my medical expenses 'just to help,' as he said.
“That gesture showed me first hand that he is truly a good, kind, and honest person. He has always been consistent, both in his work and in extending help to others.
"No amount of fake news can ever change the truth about his integrity,” pahayag ni Monica sa Cabinet Files ngayong Huwebes, Agosto 28, 2025.
Noong 2017 ay na-stroke at nagkaroon ng brain tumor si Monica, at hanggang ngayon ay nagpapagamot siya.
Read: Former actress Monica Herrera reveals ordeal with stroke, brain tumor

Si Monica ay paboritong leading lady ng action stars sa mga pelikula noong '90s.
Kabilang na rito ang dalawa niyang pelikula katambal ang yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.: Ako ang Huhusga (1989) at Hindi Ka Na Sisikatan ng Araw (1990).
Naging leading lady rin siya ni Jeric Raval, na ama ng tatlong anak ni Monica.
Read: Former actress Monica Herrera reveals ordeal with stroke, brain tumor
LITO GRUET
Umapela naman ang dating actor-model na si Lito Gruet na huwag manghusga.
Hindi rin siya naniniwalang sisirain ni Julius ang reputasyon nito nang dahil lamang sa pera.
“Huwag agad humusga! Unless you have irrefutable proof, let us not be quick to judge and bash,” sabi ni Lito sa panayam ng Cabinet Files ngayon ding araw.
Personal daw na kilala ni Lito si Julius at ang asawa nitong si Christine Bersola-Babao.
Saad niya: “Julius and Christine possess the kindest, most helpful souls.
"To quickly judge the hard-earned intergrity of Julius is simply inconsiderate and unfair. You not only hurt him but you hurt his entire family."
Sinabi rin ni Lito na ang ibinibintang kay Julius na "PHP10 million" kapalit ng interview nito sa mga Discaya ay katumbas lamang umano ng isa sa mamahaling art collection nito.
“To those of you who know Julius and are familiar with his extensive art collection among other valuable collectibles, which he accumulated all these years as a hardworking journalist and media icon, here's a perspective you may want to consider.
“The alleged PHP10 million payment by the Discaya’s for an interview isn't even the amount of ONE of his valuable paintings.
“I do not believe he will risk his name, his reputation, and tarnish the name of his family for any amount.
“This is my own personal opinion. And yes, I may be wrong.
"But until it is proven, wag muna tayo mag-hate at bash sa isang taong mabait at matulungin.
"Tumingin-tingin din tayo sa salamin paminsan-minsan.”
Posible rin daw na nabigyan ng maling impormasyon si Mayor Vico Sotto.
Ani Lito: “In fairness to Mayor Vico, whom I admire very, very much, there is always the possibility of being fed the wrong info. It happens to everyone. Even to the President.”
BRIDGETTE DE JOYA
Hindi lamang si Monica ang binigyan ni Julius ng financial help dahil tumulong din siya sa dating sexy star na si Bridgette de Joya.
Nakapanayam ni Julius si Bridgette para sa kanyang YouTube channel noong Mayo 2024.
Bago nangyari ang paghaharap at pag-uusap ng dalawa, nalaman ni Julius na kailangan ni Bridgette ng motorsiklo na magagamit nito pagpasok sa trabaho bilang lady guard sa isang paaralan.
Nasorpresa nang husto at lubos ang pasasalamat ni Bridgette dahil isang brand new motorcycle ang natanggap niya mula kay Julius pagkatapos ng panayam sa kanya.
Read: Bridgette de Joya: former Seiko sexy star is now a lady guard
