PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeric Raval, nalito sa edad ng panganay na anak nina AJ at Aljur

Ayon sa source, halos three years old na at babae ang panganay nina AJ at Aljur.
by Jojo Gabinete
Published Aug 24, 2025
jeric raval aj aljur kids
Jeric Raval finally confirms earlier reports that his daughter AJ Raval already has kids with her partner Aljur Abrenica.
PHOTO/S: Courtey of Anne Venancio / Instagram

Nakatulong ang kumpirmasyon ni Jeric Raval na dalawa na ang apo niya sa kanyang anak na si AJ Raval at sa partner nitong si Aljur Abrenica para magkaroon ng tuldok ang matagal nang isyung itinatanggi ng dalawa.

Pero nagdulot ng kalituhan sa mga nakakaalam sa tunay na kuwento ang ilang detalye na binanggit ni Jeric tungkol sa mga anak nina AJ at Aljur.

Sa panayam ng entertainment press kay Jeric noong Sabado, Agosto 23, 2025, sinabi niyang one year and two months old ang edad ng panganay at dalawang buwan naman ang bunso nina AJ at Aljur.

Ayon kay Jeric, babae at lalaki ang mga apo niya sa dalawa.

Read: Jeric Raval, inaming dalawa na ang apo kina AJ at Aljur

WHAT THE CABINET FILES SOURCE KNOWS ABOUT THE CHILDREN OF AJ AND ALJUR

Isang nakakaalam sa kasaysayan ng pagbubuntis ni AJ na nakausap ng Cabinet Files ang naglinaw nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Cabinet Files source, isinilang ng dating sexy star ang panganay na anak nila ni Aljur noong Nobyembre 2022, kaya dalawang taon at siyam na buwan na ang bata.

Taliwas din daw sa pagkakasabi ni Jeric sa kanyang panayam, babae ang panganay na anak nina AJ at Aljur, at lalaki naman ang kanilang bunso.

Maaaring nalito lamang umano si Jeric sa eksaktong edad ng bata dahil siya na rin ang nagsabing labinlima na ang kanyang mga apo.

Pero tiniyak niyang isang babae at isang lalaki ang mga anak nina AJ at Aljur.

Read: Jeric Raval: "Kung maibabalik ko yung panahon, hindi na ako mag-aanak ng marami."

Nagkamali man si Jeric sa pagsasabi sa mga tunay na edad ng mga apo nito, sapat na ang pag-amin niya para matapos na ang kontrobersiyal na usaping paulit-ulit na itinanggi ni AJ sa mga nakaraang panayam sa kanya.

Isa lamang si Jeric sa mga showbiz personality na bukas na libro sa publiko ang kuwento ng buhay dahil hindi niya inililihim ang pagkakaroon ng mga anak sa iba’t ibang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang alam ng mga tao, labingwalo ang anak ni Jeric, pero ipinagtapat nito sa Cabinet Files na higit pa sa nabanggit na bilang ang kanyang mga anak.

Mahal na mahal si Jeric ang lahat ng mga anak niya.

Pantay-pantay rin ang tingin ni Jeric sa mga anak na hindi niya itinanggi kahit minsan—isang katangian ng aktor na dapat tularan nina AJ at Aljur.

Read: AJ Raval addresses rumor about Aljur Abrenica getting her pregnant

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Raval finally confirms earlier reports that his daughter AJ Raval already has kids with her partner Aljur Abrenica.
PHOTO/S: Courtey of Anne Venancio / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results