PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeric Raval, inaming dalawa na ang apo kina AJ at Aljur

Isang lalaki at isang babae raw ang anak nina AJ at Aljur.
by Jojo Gabinete
Published Aug 24, 2025
jeric raval aj raval aljur abrenica
Action star Jeric Raval (left) reveals that his daughter (right photo) AJ Raval and her partner Aljur Abrenica have two children, a boy and a girl.
PHOTO/S: Arniel C. Serato / Instagram

Ang pag-amin ni Jeric Raval na may mga apo na siya sa kanyang anak na si AJ Raval at sa partner nitong si Aljur Abrenica ang kumpirmasyon ng matagal nang haka-hakang itinanggi ng showbiz couple.

Nangyari ang pag-amin ni Jeric sa panayam sa kanya ng entertainment press sa victory party ng Mamay: A Journey To Greatness na naganap sa isang restaurant sa Quezon City noong Sabado, August 23, 2025.

Ang Mamay ang pelikulang nagbigay kay Jeric ng best supporting actor award sa 73rd FAMAS na nangyari sa Manila Hotel noong Biyernes, Agosto 22, 2025.

Read: 73rd FAMAS: Marian, Vice, Arjo, Nadine, Jeric win top acting honors

Hindi na nakagugulat ang rebelasyon ni Jeric tungkol sa pagiging ina ni AJ.

Pero bago para sa marami ang kanyang inilahad na impormasyong dalawa na ang anak nina AJ at Aljur — isang lalaki at isang babae.

May dalawang anak si Aljur sa asawa nitong si Kylie Padilla kaya apat na ang supling niya dahil dalawa na rin ang anak niya kay AJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AJ AND ALJUR'S PAST DENIAL

Nag-umpisa noong 2019 ang acting career ni AJ, at nagsimula ang pagbibida nito sa pelikula dahil sa kanyang partisipasyon sa Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar (2021).

Noon pa man, isyu na ang pagkakaroon niya ng anak bago siya pumasok sa showbiz.

Isang taon na ang nakararaan ng kapwa mariing pinabulaanan nina AJ at Aljur sa panayam sa kanila ni Julius Babao ang pagkakaroon ng anak na isinilang umano noong Nobyembre 2022.

Read: Aljur Abrenica at AJ Raval, itinangging may anak na sila

Diretsong sagot ni AJ: “First of all, hindi po ako taon-taon buntis. Parang yearly na lang po akong buntis.

“Siguro po kung mabubuntis man ako ngayon, magalit man yung maraming tao, ako pa rin po yung pinakamasayang tao sa buong mundo.

“Hindi ko siya masyadong binigyan ng focus kasi nung nawala ako, ang saya-saya ko.

"Imagine, kahit papaano, naka-graduate ako, nag-ALS ako, natulungan ko yung mga tao sa programa na yun. May mga na-inspire ako. Bakit ako magpo-pokus sa ganoong bagay, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, hindi ko na siya napansin masyado. Parang nasanay na ako sa mga isyu-isyu tsaka yearly ako buntis every day.”

“Wala po,” sagot naman ni Aljur tungkol sa diumano’y inililihim nilang anak ni AJ.

Ito ay matapos lumabas noon sa social media ang kanilang larawan na may kasama silang batang babae.

Read: Aljur Abrenica, AJ Raval spotted at an event with a young girl

Ayon kay Aljur: “Actually, nakita ko yon kagabi. Nakita ko yon sa social media.

"Sir Julius, hindi talaga… ewan ko ba.

“Yung nangyari nga sa amin noon, parang lumipas muna yung isang taon bago ko nalaman na, 'Ah, may isyu pala.'

“Yung kagabi, nakita ko nga. Sabi ko, 'Bakit natsitsismis na may anak kami? Ang bilis naman lumaki ng bata."

Nangyari ang panayam kina AJ at Aljur noong Agosto 2024.

Makaraan ang isang taon, nabalewala ang mga pagtanggi at nasira ang kanilang kredibilidad dahil sa pagtatapat ni Jeric na dalawa na ang mga anak nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Para kay Jeric, hindi rebelasyon ang kanyang ginawa dahil alam nilang lahat ang katotohanan at ngayon lamang daw may nagtanong sa kanya kaya sumagot siya.

Read: Jeric Raval speaks up anew on daughter AJ Raval’s alleged child

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Action star Jeric Raval (left) reveals that his daughter (right photo) AJ Raval and her partner Aljur Abrenica have two children, a boy and a girl.
PHOTO/S: Arniel C. Serato / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results