Tinutukan ng mga Pilipinong mahihilig sa beauty pageant ang gabi ng koronasyon ng Miss Universe Thailand 2025 na ginanap sa MGI Hall, Bangkok, Thailand, nitong Sabado ng gabi, Agosto 23, 2025.
Interesado silang malaman ang magwawagi at makakalaban ni Ahtisa Manalo sa Miss Universe 2025 na mangyayari sa Thailand sa Nobyembre 21.
Ang 29-year-old Thai-Indian na si Praveenar "Veena" Singh ang nanalo na Miss Universe Thailand 2025.
Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcasters over Discaya interviews
Nahigitan niya si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na tatlong beses lumahok sa Binibining Pilipinas bago nakuha ang karapatang maging kinatawan ng bansa sa Miss Universe 2015.
Umabot sa apat na pagkakataon ang pagsali ni Veena sa Miss Universe Thailand bago niya nakamit ang kanyang pinakamimithing korona at titulo.
Second runner-up si Veena sa unang pagsubok nito sa Miss Universe Thailand noong 2018.
First runner-up siya sa Miss Universe Thailand 2020.
Second runner-up uli siya sa Miss Universe Thailand noong 2023.
Si Veena ang crowd favorite sa Miss Universe Thailand 2025 at marami ang nagbunyi dahil siya na ang nanalo sa ikaapat na beses niyang pagsali.
Si Miss Universe 2005 Natalie Glebova, na co-host din ng finale night ng Miss Universe Thailand 2025, ang nagputong ng korona kay Veena.
Read: Korina Sanchez camp slams Mayor Vico Sotto's "slanderous" FB post

MISS GRAND INTERNATIONAL CJ OPIAZA
Espesyal na panauhin sa gabi ng koronasyon ng Miss Universe Thailand 2025 si reigning Miss Grand International Christine Juliane "CJ" Opiaza ng Pilipinas.
Ang pageant host na si Matthew Deane ang nagpakilala kay CJ.

Malapit sa puso ng Pinoy beauty pageant fans si Veena dahil sinuportahan niya ang koronasyon kay CJ bilang bagong Miss Grand International 2024 titleholder noong Hunyo 3, 2025.
Natuwa ang mga Pinoy kay Venna dahil nakunan siya ng larawan na hawak ang watawat ng Pilipinas.

Samantala, babalik agad sa Pilipinas si CJ ngayong Linggo, Agosto 24, para isalin ang kanyang korona sa mananalo sa Miss Grand Philippines 2025 na idaraos sa Mall of Asia Arena, Pasay City, mamayang gabi.
Read: Cha Eun Woo, pinagkaguluhan habang naghuhugas ng pinggan sa military