PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joseph Marco, tinilian dahil sa "ambag" niya sa Vivarkada

Joseph Marco, ano ang masasabi sa reaksiyon ng publiko sa cast ng ILYS 1892?
by Jojo Gabinete
Published Aug 20, 2025
joseph marco i love you since 1892
Joseph Marco on playing Leandro in the series adaptation of I Love You Since 1892: "I am very thankful kasi ibang challenge ang kinakaharap ko ngayon. I am just so excited and eager to start taping,”
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram / IdolPick

Very flattering at overwhelming ang pagsasalarawan ni Joseph Marco sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga nanood ng ultimate fan meet at grand concert ng Vivarkada.

Naganap ang Vivarkada sa Araneta Coliseum noong Agosto 15, 2025.

Ipinakilala si Joseph sa Vivarkada event bilang isa sa mga bida ng upcoming drama at romance series na I Love You Since 1892.

Hindi inaasahan ni Marco na dadagundong ang Araneta Coliseum dahil sa malakas na hiyawan at palakpakan ng manonood, lalo na nang hubarin niya ang kanyang pang-itaas na kasuotan.

Si Jerome Ponce ang nagsabing nahawi ang lahat ng Vivarkada Boys nang umakyat sa entablado ang kanyang co-star sa I Love You Since 1892 sa fan meet at concert.

Read: Liza Soberano’s interview on breakup with Enrique Gil finally airs after 2 years

Kuwento ni Joseph: “Nung una pinapasayaw nila ako, sabi ko ito lang ang kaya kong iambag kaya yun ang ginawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At saka karamihan sa mga nanonood, bagets. Sabi ko, 'Start ‘em young.'”

Marami ang natuwa at nagtilian dahil sa kanyang mapangahas na eksena sa Vivarkada fan meet.

JOSEPH MARCO ON I LOVE YOU SINCE 1892 CASTING

Si Joseph ang gumaganap na Leandro sa I Love You Since 1892.

Aware daw siya sa malupit na reaksiyon ng publiko nang ianunsiyo na sina Jerome at Heaven Peralejo ang gaganap sa karakter nina Juanito at Carmelita.

Tinanong ng Cabinet Files ang opinyon niya tungkol sa pinag-uusapang isyu.

Sagot ni Joseph: “Mixed emotions kasi napakadami ng interactions and at the same time, medyo may mga mababasa ka na foul language and masasakit na salita.

"Pero ang masasabi ko lang, sobrang… especially sa dalawang ito [Heaven at Jerome], sobrang proud ako sa kanila.

“They commit in a very classy way. I’ve seen how professional they are.

"Magagaling ito at hindi nila hinahayaan na ma-distract sila. Talagang naka-focus sila sa mga ginagawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And I am just so proud of Jerome and Heaven.

“Nirerespeto nila yung karakter nila and they look up to Juanito and Carmelita, to the highest level.

"I am just really proud and thankful na makatrabaho sila.”

Read: Maine Mendoza spills how Alden Richards reacted to her confession

Ngayong Miyerkules, Agosto 20, 2025, ang unang araw ng trabaho ni Joseph para sa I Love You Since 1892, samantalang nakasampung araw na ng taping sina Jerome at Heaven.

Pabor kay Joseph na ngayon lamang ang taping niya dahil nakapaghanda siya nang husto para sa karakter na kanyang gagampanan.

“At least I have more time to prepare and it’s such a luxury na marami akong time kasi hanggang ngayon, binubuo ko pa rin yung karakter ni Leandro.

“Iniisa-isa ko ang bawat karakter, kung ano ba ang relasyon ko sa mga karakter na yon.

"Paulit-ulit ko ring binabasa yung script kasi ito ang unang proyekto na mahihirapan akong mag-adlib dahil sa malalim na Tagalog. Hindi ko magagawa yung mga ginagawa ko sa previous projects ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I am very thankful kasi ibang challenge ang kinakaharap ko ngayon. I am just so excited and eager to start taping,” saad niya.

Read: Andres Muhlach, tinilian nang husto sa Vivarkada fancon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joseph Marco on playing Leandro in the series adaptation of I Love You Since 1892: "I am very thankful kasi ibang challenge ang kinakaharap ko ngayon. I am just so excited and eager to start taping,”
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram / IdolPick
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results