PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anak ng prinsesa sa Norway kinasuhan ng rape at domestic violence

Marius Borg Høiby, posibleng makulong ng 10 years kapag nahatulang guilty.
by Jojo Gabinete
Published Aug 19, 2025
marius borg hoiby rape
Marius Borg Høiby, son of Crown Princess Mette-Marit and stepson of the heir to the throne, Crown Prince Haakon, has been officially charged with 32 offenses, including four counts of rape.
PHOTO/S: X (Twitter)

Nahaharap sa sampung taong pagkakakulong si Marius Borg Høiby dahil sa apat na kaso ng panggagahasa sa iba’t ibang babae sa pagitan ng 2018 at 2024.

Si Høiby ang 28-year-old stepson ni Crown Prince Haakon, ang susunod na hari ng Norway.

Anak siya ni Crown Princess Mette-Marit bago nito pinakasalan ang prinsipe.

Read: Liza Soberano recalls trauma caused by parents, foster family

Bukod sa panggagahasa, may dalawampu’t walong (28) bilang pa ng kaso si Høiby, kabilang ang pananakit sa kanyang karelasyon.

Inaresto siya noong Agosto 4, 2024.

Pinararatangan si Høiby ng pang-aabuso sa kanyang dating kasosyo na si Nora Haukland at paggamit ng karahasan sa isang business partner niya.

Ang panggagahasa sa mga biktima habang natutulog na kinunan ng video ni Høiby ang mabigat na bintang sa kanya.

Inakusahan din si Høiby ng death threats, pananakit sa isang opisyal ng pamahalaan, at paglabag sa mga batas-trapiko.

HOIBY MAY FACE UP TO 10 YEARS IMPRISONMENT

Mariing itinanggi ni Høiby ang mga kasalanang ibinibintang laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sinabi ni Public Prosecutor Sturla Henriksbø na nahaharap ang stepson ng prinsipe sa sampung taong pagkakabilanggo bilang parusa matapos ang anim na linggong pagdinig sa mga kasong kinasasangkutan niya noong Enero 2025.

“This case is very serious. Rape and violence in close relationships are very serious acts that can leave lasting traces and destroy lives,” pahayag ni Henriksbø sa isang panayam.

Kinumpirma ng Ministry of Foreign Affairs na wala nang diplomatic passport si Høiby mula pa noong nakaraang linggo, pero hindi isiniwalat ang tunay na dahilan.

May hawak na diplomatic passport at standard passport si Høiby mula pagkabata.

Habang ang mga miyembro ng Royal House ay may diplomatic passport, ang ibang miyembro ng Royal Family ay gumagamit ng pangkaraniwang pasaporte, pagkatapos ng kanilang ika-18 kaarawan—isang batas na ipinatupad lamang anim na buwan na ang nakalilipas.

Read: BINI sues vlogger for unjust vexation, cybercrime offense

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marius Borg Høiby, son of Crown Princess Mette-Marit and stepson of the heir to the throne, Crown Prince Haakon, has been officially charged with 32 offenses, including four counts of rape.
PHOTO/S: X (Twitter)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results