Hindi natapos kay Senator Juan Miguel Zubiri ang panawagan na sumailalim sa mandatory drug test ang kanyang mga kapwa senador at ang mga tauhan nila.
Read: Sen. Zubiri, hinikayat ang mga kapwa senador na magpa-drug test
Ngayong Linggo, Agosto 17, 2025, ibinahagi ni Senate Minority Leader Tito Sotto ang liham na ipinadala niya kay Senator Francis Escudero na humihiling na magkaroon agad ng mandatory drug testing sa Senado.
Ayon kay Sotto, para raw ito sa pagpapanatili ng integridad ng nasabing branch ng gobyerno na sa kasalukuyan ay nabahiran ng pagdududa at kontrobersiya dahil sa incident report na kinasasangkutan ni Nadia Montenegro.
Read: Nadia Montenegro denies using marijuana in the Senate
Ikinakabit si Nadia sa incident report sa Senado tungkol sa amoy ng marijuana na nanggaling sa ladies comfort room sa ika-limang palapag ng Senado noong Agosto 12, 2025.
Dahil sa report, pinaratangan si Nadia na diumano'y gumamit ng marijuana habang nasa ladies room.
Kasalukuyang naka-leave of absence si Nadia na nagsisilbing political affairs officer ni Senador Robinhood Padilla.
Read: Nadia Montenegro takes a leave of absence pending investigation
Ito ang kabuuan ng liham na may lagda ni Sotto para kay Escudero:
“Last August 13, 2025, several news articles circulated regarding an alleged use of marijuana within the Senate premises, particularly on the 5th floor.
“In 2018, the Senate conducted a mandatory random drug testing in accordance with R.A. 9165 or the Dangerous Drugs Act of 2002, Civil Service Commission Resolution No.1700653 dated 15 March 2017 or the Mandatory Random Drug Test for Public Officials and Employees and Senate Policy Order 2018-002 (OSP) or the Revised Policy on Random Drug Testing in the Senate of the Philippines.
“Thus, to maintain a drug free workplace, I am asking that a mandatory random drug testing be immediately conducted in the Senate in accordance with the pertinent policy order in place. This will ensure that the morale, efficiency, integrity, responsiveness, progressiveness, and courtesy shall be observed in the civil service.”

Ngayong Linggo ng umaga, ibinahagi naman ni Senator Padilla ang Facebook post na nagsasabi na: “The marijuana scare is fictional just like Cinderella, or Sleeping Beauty or Frozen and other fairy tales.
“Study finds that cannabis is 114x less deadly than alcohol. Cannabis was rated the safest of all substances surveyed.”

Kabilang si Padilla sa mga pabor sa panukalang batas na binuhay ni House Representative Miguel Luis Villafuerte, ang House Bill 420.
Layunin ng nasabing bill na gawing legal ang paggamit sa bansa ng medical marijuana para sa mga Pilipinong may epilepsy at iba pang nakapanghihinang karamdaman.
Incidentally, makaraan ang matagal na panahon, nag-ahit ng bigote at nagpagupit na ng buhok si Padilla bilang anniversary gift niya sa kanyang misis na si Mariel Rodriguez para sa ika-labinlimang taon ng kanilang relasyon.
View this post on Instagram