PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Casino player, "talent manager" ng sikat na artista ang pakilala

VIP casino player, umabot na umano sa mahigit PHP50M ang naubos sa pagsusugal.
by Jojo Gabinete
Published Aug 15, 2025
casino player
PHOTO/S: Canva

“Manager” ng popular showbiz personality ang pakilala ng isang casino player sa sikat na casino na kanyang regular na pinupuntahan.

Ito ang dahilan kaya pinagkakatiwalaan ng casino employees ang casino player at hindi pinagdududahang walang perang gagamitin sa sugal.

Valued client o itinuturing na VIP ang “talent manager” dahil sa malaking halaga ng perang ipinapasok at inilalabas niya kapag nagsusugal siya.

Read: Celebrities spotted at Shaira Diaz and EA Guzman's wedding

LULONG SA BISYO

Noong Pebrero 2024, umabot umano sa PHP50 million ang ginamit ng "talent manager" sa pagsusugal, at maaaring nadagdagan pa ito sa mga sumunod na buwan.

Ang napakalaking halaga ng pera ang isa sa mga indikasyong lulong sa bisyo ang "talent manager."

Matagal nang hindi aktibo sa social media ang "talent manager" kaya lumitaw ang mga hinalang dumaraan siya sa mga pagsubok dahil sa problema sa pananalapi.

Hindi magiging madali para sa "talent manager" na pabulaanan ang mga mabibigat na paratang sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga ebidensiyang personal na nakita ng Cabinet Files na magpapatunay sa milyun-milyong perang ginamit niya sa bisyo, na marami nang pinabagsak na negosyo, winasak na relasyon ng mag-asawa, magkakapatid, magkakaibigan, at sinira ang maganda sanang kinabukasan.

Read: Nadia Montenegro, staff of Senator Robin Padilla, denies using marijuana in the Senate

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results