Ipinagdiwang ng My Father’s Wife actress na si Kazel Kinouchi ang kanyang ika-33 kaarawan noong Miyerkules, Agosto 13, 2025.
Isa sa mga bumati sa kanya ang seasoned actress na si Dina Bonnevie.
Naging malapit sina Kazel at Dina nang magkasama sila sa Abot-Kamay Na Pangarap, ang afternoon drama series ng GMA-7 na napanood mula Setyembre 5, 2022 hanggang Oktubre 19, 2024.
Sa Instagram post ni Dina nitong Huwebes, Agosto 14, inilahad niya ang kanyang paghanga kay Kazel.
Mensahe ni Dina: “Happy birthday to a woman I admire. She is a loving and devoted wife, a doting mother, a professional actress, and a thoughtful granddaughter. Continue shine my dear Kazel Kinouchi! I love you.”
Sagot dito ni Kazel, “I love you my Mama!!!”
Read: Nadia Montenegro, staff of Senator Robin Padilla, denies using marijuana in the Senate
View this post on Instagram
KAZEL KINOUCHI'S MARITAL STATUS
Ang pagbati ni Dina ang kumpirmasyong meron nang asawa at anak si Kazel — isang katotohanang lingid sa kaalaman ng publiko pero hindi niya inililihim sa kanyang malalapit na kaibigan at mga katrabaho sa telebisyon.
Noong Nobyembre 2023, pinabulaanan ni Kazel ang mga balitang nag-uugnay sa kanila ni Richard Gutierrez.
Kumalat ang mga haka-haka noon nang mainit ang isyu ng paghihiwalay ni Richard at ng estranged wife nitong si Sarah Lahbati.
Mariing itinanggi ni Kazel ang balita sa pamamagitan ng kanyang TikTok live video.
Pahayag niya: “Time is the ultimate truth teller. Hindi po totoo, ang ganda ko naman po.
“Thank you for free publicity but sad to say it’s not true. Wala kayong juice na makukuha from me.
"For the last time, hindi po totoo yon, kapitbahay lang namin yun [Richard].”
Read: Abot-Kamay Na Pangarap star Kazel Kinouchi denies rumors linking her to Richard Gutierrez
May dahilan at malakas ang loob ni Kazel na pabulaanan ang walang katotohanang tsismis tungkol sa kanila ni Richard.
Totoong kapitbahay nila si Richard dahil personal na kilala ng aktor ang asawa ni Kazel na walang kinalaman sa showbiz.
Bago pa nangyari ang denial noon ni Kazel, nakita na ng Cabinet Files ang mga larawan nila ng kanyang asawa at anak, kasama si Richard.
Ngayong nalaman na ng publiko na misis at may anak na si Kazel, dahil sa birthday greeting ni Dina, wala nang dahilan para ilihim at hindi pag-usapan ang kanyang pagiging ina at asawa.
Read: Kim Chiu and sister Lakam unfollow each other on Instagram