Kasalukuyang nagaganap nitong Huwebes ng hapon, Agosto 14, 2025, ang pag-iisang dibdib nina Edgar Allan “EA” Guzman at Shaira Diaz sa St. Benedict Parish, Westgrove Heights, sa Silang, Cavite.
Ang pagpapakasal nina EA at Shaira ang simula ng bagong kabanata ng labindalawang taong relasyon nila bilang magkasintahan.
Sa panayam ng Unang Hirit kay Shaira, ikinuwento nitong madaling-araw na siya nakatulog nitong Huwebes dahil tinapos pa niya ang pagsusulat sa kanyang wedding vow para kay EA.
Read: Will Ashley confesses Mika Salamanca is his type among PBB housemates
“Two A.M. na ako nakatulog, oh my God!" bulalas ni Shaira, na wala umanong nararamdamang wedding jitters.
Maligayang-maligaya si Shaira habang nagkukuwento, pero umaasa siyang hindi mapapaluha kapag nagkita na sila ni EA sa altar ng simbahan.
Sabi niya: “I hope hindi ako maiyak pero hindi ko yan mapa-promise kasi ang tagal naming hinintay ito siyempre.
"Ito yung most-awaited moment naming dalawa.
“Sobrang excited ako na matawag siyang my husband, asawa ko."
Mensahe pa ni Shaira kay EA: “Mahal na mahal kita, alam mo yan. And I’m so excited na makita ka mamaya sa aisle.
"I can’t wait to marry you. I can’t wait to be Mrs. Guzman.
"Sa yo lang ako forever. Mahal na mahal kita!"
Read: What Ralph de Leon said about Team AzRalph and Team RalpVee
THE WEDDING ENTOURAGE
Kabilang sa principal sponsors sa kasal nina EA at Shaira sina Boy Abunda, Senator Jinggoy Estrada, Arnold Clavio, Arnold Vegafria, Ben Chan, Susan Enriquez, Jean Garcia; at GMA Network Inc. executives na sina Annette Gozon-Valdes, Joy Marcelo, Nessa Valdellon, at Cheryl Ching Sy.
Kasama naman si Jennylyn Mercado sa listahan ng secondary sponsors.
Ilan sa groomsmen sina Coco Martin, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Joross Gamboa, Jose Sarasola, at Gerald Anderson.
Bridesmaids sina Jasmine Curtis-Smith, Arra San Agustin, at Julia Montes.
Bridesmen ang mga kasamahan ni Shaira sa Unang Hirit na sina Carlo Tingcungco at Anjo Pertierra.