Gaya ng ka-loveteam niyang si Angela Muji, ikinagulat pero ikinatuwa ni Rabin Angeles ang balitang nangunguna ang Seducing Drake Palma sa mga digital series na tinatangkilik ng publiko.
Ang Seducing Drake Palma ang original romantic-comedy series na pinagbibidahan nina Rabin at Angela. Napapanood ito sa Viva One mula pa noong Hunyo 14, 2025.
Read: Kim Chiu and sister Lakam unfollow each other on Instagram
Ayon kay Rabin, “Sobrang nagulat po ako pero siyempre masaya ako dahil nakakatuwang marami ang nakaka-appreciate sa mga pinaghirapan namin.
“Hindi lang po ako kundi ng buong cast at production team.”
Naniniwala si Rabin na popular sa lahat at hindi lamang sa mga kabataan ang kanilang programa dahil sa maraming dahilan.
Saad niya: “Ang feeling ko po, interesting talaga ang kuwento ng Seducing Drake Palma at maraming nakaka-relate sa characters at sa mga nangyayari sa kanila.
“Maraming eksenang relatable at parang totoong nangyayari sa tunay na buhay.
“May kilig, may drama, hindi boring, at galing pa sa Wattpad kaya yung story pa lang, may fans na talaga.
“Plus, malaki rin talaga ang tulong ng social media, lalo na sa TikTok dahil mabilis mag-trend at ma-share ang mga clips ng series.”
Read: Will Ashley open to working again with Bianca de Vera as loveteam
TERRITORIAL SUNSET SCENE
Ang “territorial sunset scene” sa Seducing Drake Palma ang isa sa mga nag-trend nang sobra sa social media.
Ito rin ang pinakapaborito ni Rabin dahil bukod sa malakas ang dating, marami ang pinakilig ng romantikong eksena.
“Bukod sa maganda ang shot, ang laki ng impact ng eksena emotionally. Maraming viewers ang nag-aabang daw po talaga sa eksenang yun kaya ramdam ko rin ang pressure habang ginagawa namin.
“Sobrang worth it naman po since mukhang nabigyan namin ng justice ang sunset scene dahil marami ang natuwa.”
Unang nagkasama sina Rabin at Angela sa Ang Mutya ng Section E., pero nakilala lamang daw nila nang husto ang isa’t isa nang magkapareha sila sa Seducing Drake Palma.
Kuwento ni Rabin: “Nagkasama na kami dati sa Mutya ng Section E, pero wala talaga kaming eksena directly kaya parang kilala lang namin ang isa’t isa.
“Mas naging comfortable at close kami ni Angela sa workshop namin for Drake Palma. Dun nagsimula ang mas malalim na connection at naging buo ang chemistry namin on set.
“Pero kahit pamilyar na kami sa isa’t isa, marami pa rin akong mga bagong natututunan tungkol sa kanya at pati na rin sa sarili ko.
“Mas na-appreciate ko kung gaano kahalaga ang pakikinig, pagiging flexible, at ang pagkakaroon ng respeto sa bawat contribution ng team.
“Na-realize ko rin na kahit gaano ka kasanay o kahanda, laging may room for growth.
“Sa bawat araw ng taping, may bago kang natututunan, whether sa pag-atake ng eksena o sa pakikisama sa team.
“Malaking tulong talaga ang maayos na working relationship namin ni Angela para magampanan nang maayos ang bawat eksena.”
Read: Wild Boys producers share "tragic experience" working with Aljur and Vin Abrenica