Kaagad ibinalita sa mga news program at pahayagan ang sunog na nangyari sa Sct. Rallos, Brgy. Laging Handa, Quezon City, noong Miyerkules, Agosto 6, 2025.
Ang sunog na ito ang kumitil ng buhay ng isang lola na edad 78, pero hindi binanggit ang kanyang pangalan.
Read: Elias J. TV at talent manager, sasampahan ng reklamo ang isa't isa
THE IDENTITY OF FIRE VICTIM
Napag-alaman ng Cabinet Files ang pagkakakilanlan ng biktima dahil sa Facebook post ni Rap Fernandez, ang panganay na anak ni Lorna Tolentino at ng yumaong action superstar na si Rudy Fernandez.
Nakasaad sa post ni Rap: “Yesterday my father’s sister Beth Fernandez died tragically in a house fire. Rest in peace Tita Beth.”
Si Teresa "Beth" Fernandez ay nakatatandang kapatid ni Rudy.
Read: Joey Marquez, kabisado ang mga pangalan at pagkasunud-sunod ng 16 anak
May karamdaman at bedridden na si Beth kaya hindi siya nasagip nang masunog ang kanilang tahanan sa Sct. Rallos noong Miyerkules, bandang alas-kuwatro ng hapon.
Na-trap si Beth sa kanyang apat na palapag na bahay.
Tumagal ng isang oras ang pag-apula ng mga bumbero sa sunog na umabot sa second alarm.
Ibinahagi naman ng anak ni Beth na si Joanna Fernandez Velayo na natupok ang lahat ng gamit at ari-arian ng kanyang mga mahal sa buhay, na sama-samang naninirahan sa nasunog na bahay na kumitil sa buhay ng nanay niya.
Sinabi ni Velayo na maglalabas sila ng anunsiyo tungkol sa mga detalye ng burol at cremation sa mga labi ng kanyang ina.
Read: San Francisco Police Department, nagbigay-pugay kay Trevor Magallanes