Estafa at breach of contract ang mga reklamong isasampa laban kay Elias J. TV, Elias Linucan Jr. sa tunay buhay, ng kanyang manager na si Beverly Pumicpic Labadlabad.
Ito ay dahil umano sa mga unpaid commission at pagtanggap ng shows ng singer at mga kabanda nito lingid sa kaalaman at walang pahintulot ng namamahala sa singing career nila.
Si Elias J. TV ang reggae singer at popular social media personality mula sa Mindanao.
Read: Bela Padilla admits breakup with boyfriend Norman Bay
“Nag-bypass kasi sila. Two weeks na silang nag-direct collect sa client.
"Hindi po sila allowed mag-collect. Saka walang turnover na pera si Elias sa management,” pahayag ni Beverly sa eksklusibong panayam kanya ng Cabinet Files ngayong Huwebes ng gabi, Agosto 7, 2025.
Sa listahang ipinadala ni Beverly sa Cabinet Files, PHP1.7 million ang halaga ng perang sinisingil niya mula kay Elias.
Nakatakda siyang maghain ng reklamo laban kay Elias sa korte ng Maynila sa susunod na linggo.
TALENT-MANAGER RELATIONSHIP
Nag-umpisa ang talent-manager relationship nina Elias at Beverly noong Abril 2, 2025.
Pero nagkaroon ng lamat ang kanilang dating magandang pagsasama dahil, ayon kay Beverly, pinagseselosan siya ni Abegail Cariquitan, ang live-in partner ni Elias.
Noong Hulyo 10, 2025, hindi natuloy ang guesting ni Elias sa Fast Talk with Boy Abunda.
Ayon kay Beverly, hindi sumakay ng eroplano ang mang-aawit dahil, diumano, hindi ito pinayagan ni Abegail na umalis sa bayan nila sa Mindanao.
Bago nangyari ang naudlot na guesting ni Elias sa programa ni Boy, hindi rin sinipot ng singer ang panayam sa kanya ng ABS-CBN.
Ayon kay Beverly, pinili umano matulog ng kanyang alagang singer.
Read: Joey Marquez, kabisado ang mga pangalan at pagkasunud-sunod ng 16 anak
ELIAS J. TV FILES NULLITY OF OF CONRACT
Lalong lumaki ang hidwaan sa pagitan nina Beverly at Elias dahil nagsadya si Elias at ang mga miyembro ng kanyang banda, kasama ang kanilang abogado, sa Regional Trial Court ng Kidapawan Cit, ngayong Huwebes ng hapon.
Ito ay para mapawalang-bisa ang kontrata nila kay Beverly.
"Declaration of nullity of contract and /or cancellation of contract, accounting, damages and attorney’s fees with prayer for issuance of TRO and/ or preliminary injuction" ang mga reklamong isinampa nila laban kay Beverly.
“Malabo po yan. Complete receipt po ang management,” reaksiyon ni Beverly sa asunto ni Elias at ng band members nito laban sa kanya.
Hindi nagpakita si Beverly ng pagkabahala.
Katuwiran niya: “Calm down at relax lang po ako. Wala akong galit dahil business is business. Yun lang po.”
Nakatakda sa susunod na buwan ang U.S. tour ni Elias.
Pero sa kaguluhang nagaganap ngayon sa kanila ni Beverly, pinangangambahang magkakaroon ng problema ang pagtatanghal nila sa Amerika.
Read: Lian Paz speaks about Paolo Contis reconciliation with daughters