“I would have been really mad kung iba yung gumawa ng karakter ni Stella.”
Ito ang nakangiting pahayag ni Bela Padilla nang isiwalat nitong muntik nang hindi siya ang magbida sa 100 Awit Para Kay Stella.
Ang 100 Awit Para Kay Stella ang sequel ng 100 Tula Para Kay Stella, ang critically acclaimed at top grosser sa 1st Pista ng Pelikulang Pilipino noong 2017.
Read: Bea Alonzo seen with Vincent Co after GMA Gala 2025
Naganap ang media conference ng 100 Awit Para Kay Stella nitong Miyerkules ng hapon, Agosto 6, 2025.
Ikinagulat ng mga dumalo sa mediacon ang rebelasyon ni Bela na ibang aktres at hindi siya ang dapat na lead actress ng pelikulang pinangungunahan nila nina JC Santos at Kyle Echarri.

Lahad niya: “Lumipad na ako ng London, umalis ako tapos nabalitaan ko may iba nang ipa-partner kay JC.
“Nag-text ako kay Tita June [Rufino, Viva Films supervising producer], ‘Ah, talaga po, hindi na ako sa Stella?’
“Yun lang po talaga yung text ko, 'Ah, talaga po? Hindi na ako?'
“Tapos nabalitaan ko, tinanggal na po yung dapat na artistang yon and hinintay na lang nila na umuwi ako.
“Nalaman ko lang kay JC din.
"They almost replaced me. It was supposed to be a different star,” kuwento ni Bela.
Hindi na pinangalanan ang aktres na ipapalit sana para gampanan ang karakter ni Stella, na unang binigyang-buhay ni Bela.
Read: Red Sternberg's wife recalls heartbreaking day the actor died
NOT THE ORIGINAL LEAD STARS
Kasunod ng rebelasyon ni Bela ang trivia na hindi sila ni JC ang mga orihinal na bida sa 100 Tula Para Kay Stella dahil nakalaan ang proyekto para sa ibang mga artista.
Saad ni Bela: “Hindi naman talaga kami dapat ang gagawa ng 100 Tula Para Kay Stella.
"This was a project for two different actors so ibinigay ito sa amin parang last-minute pairing lang kami na baka mag-work kasi Bela and JC.
“I think we’re here because we are meant to be Fidel and Stella.
“And I love Stella so much, the film, and also the character. I think it put me on the map as an actress.
"I think people started taking me more seriously as an actress after 100 Tula Para Kay Stella, not just as a working actor but an actor who can bring money in.
"So I got trusted with better roles after this, so I am not gonna let anyone play Stella if I have the last say.”
Ang 100 Awit Para Kay Stella ay idinirek ni Jason Paul Laxamana.
Read: Rica Peralejo meets family of late ex-boyfriend Red Sternberg