PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Binene, first time nag-solo female lead sa pelikula

Bea Binene, first time ding nagkaroon ng solo poster sa pelikula.
by Jojo Gabinete
Published Aug 6, 2025
bea binene posthouse
Bea Binene, who started her showbiz career in 2004, finally lands a solo female lead role in a movie via the horror film Posthouse.
PHOTO/S: @viva_films on Instagram

“Nakakatuwa po. Siyempre nakaka-proud, nakakakilig. Nakaka-excite.”

Ito ang tila nahihiya pero masayang sagot ni Bea Binene nang hingin ng Cabinet Files ang kanyang reaksiyon tungkol sa poster ng Posthouse, ang horror movie na pinagbibidahan nila ni Sid Lucero.

Debut movie directorial job ito ng mahusay na movie editor na si Nikolas Red.

Ipalalabas ang Posthouse sa mga sinehan sa Agosto 20, 2025.

Read: Willie Revillame, itinangging naghihirap na siya; may mga bagong ari-arian

Dagdag pa ng aktres, “Nakakataba po ng puso at nakaka-excite po talaga kapag napanood po ninyo. Sana mapanood ng lahat.”

May sapat na dahilan para matuwa si Bea dahil dalawampu’t isang taon na ang kanyang acting career, pero ngayon lamang siya nabigyan ng malaking importansiya sa poster ng mga pelikulang ginawa niya.

Black and white ang kakaibang poster ng Posthouse.

Tanging ang mukha ni Bea na may takip na rolyo ng negatibo ang mga mata ang ginamit na larawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
posthouse poster

FIRST LEAD ROLE

Matagal na panahon ang hinintay ni Bea bago nagkaroon ng pelikula na siya ang bidang babae.

Paglalarawan ni Bea sa pinagbibidahang pelikula: “Ang Posthouse is like a film within a film.

"Kumbaga, kung paano gumawa ng pelikula dati, literal na film with Moviola editing machine na first time ko makakita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“First time ko na makakita nang ganoon, umaandar na kapag pinapanood mo yung film, tumutunog.

"Siyempre yung mga generation, yung mas younger, maganda na makita nila kung paano gumawa ng mga pelikula noon. Hindi lang puro digital.”

Read: Red Sternberg's wife recalls heartbreaking day the actor died

moviola editing machine
The Moviola editing machine
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nabuo ang Posthouse dahil ginamit na inspirasyon ang Ang Manananggal, ang kauna-unahang Filipino horror silent movie na ginawa noong 1927.

Ang direktor ng Ang Manananggal ay si Jose Nepomuceno, at pinagbidahan ito ni Mary Walter (Setyembre 10, 1912 – Pebrero 25, 1993).

mary walter ang manananggal
Mary Walter in Ang Manananggal

Para magkaroon ng ideya ang publiko tungkol sa kuwento ng Posthouse, nakalagay sa teaser trailer ng pelikula: "In 1927, the first Filipino horror film was completed. Soon after it vanished. No one ever saw it again. Now the film has been found and what was sealed within has awakened."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Direk Nikolas Red sa panayam sa kanya ng Cabinet Files, hindi pa niya napapanood ang Ang Manananggal dahil nawawala na ang kopya o mga negatibo nito.

Ito ang dahilan kaya naisip nila nina Jericho Aguado at Kenneth Dagatan na sumulat ng kuwento ng isang horror movie na may kinalaman sa kauna-unahang Filipino horror film.

Read: Carla Abellana confirms she's dating someone

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Binene, who started her showbiz career in 2004, finally lands a solo female lead role in a movie via the horror film Posthouse.
PHOTO/S: @viva_films on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results