PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angela Muji, maraming nadiskubre tungkol kay Rabin Angeles

Seducing Drake Palma, nanguna sa isang survey.
by Jojo Gabinete
Published Aug 4, 2025
angela muji rabin angeles
Angela Muji on success of Seducing Drake Palma: “Nakakatuwa at nakakataba po ng puso. I was pleasantly surprised na nailalaban po talaga ng minamahal naming supporters ang show namin ni Rabin."
PHOTO/S: @viva_tv on Instagram

Nanguna ang Seducing Drake Palma, ang original series ng Viva One, sa isang survey tungkol sa mga ongoing digital series na tinatangkilik ng manonood.

Kaugnay nito, tuwang-tuwa at taus-puso ang pasasalamat ni Angela Muji, ang lead actress at kapareha ni Rabin Angeles sa Seducing Drake Palma.

Read: Bea Alonzo seen with Vincent Co after GMA Gala 2025

“Nakakatuwa at nakakataba po ng puso. I was pleasantly surprised na nailalaban po talaga ng minamahal naming supporters ang show namin ni Rabin,” pahayag ni Angela sa panayam sa kanya ng Cabinet Files ngayong Lunes, Agosto 4, 2025.

Naniniwala ang newbie actress na ang magandang kuwento ng Seducing Drake Palma ang pangunahing dahilan kaya pinanonood ito ng publiko.

Hindi nakalimutan ni Angela na pasalamatan ang lahat ng mga bumubuo ng programa — ang writer, cameramen, production staff, utility crew, ang kanyang co-stars, lalung-lalo na si Rabin — dahil mahalaga ang kontribusyon ng lahat sa tagumpay ng kanilang programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: “It takes a solid team to create a solid output at nagre-reflect ito sa pagtangkilik ng viewers sa aming show, at siyempre dahil kay Rabin na napakagaling umarte.

Seducing Drake Palma is a teen romance kaya po siguro kinakikiligan ito ng mga kabataan na kaedad nina Alys at Drake, ang mga karakter na ginagampanan namin ni Rabin.

“Pero para sa akin, hindi lamang para sa mga kabataan ang Seducing Drake Palma dahil nagugustuhan din ito ng mga matatanda.”

Read: Will Ashley speaks up on WillCa-DustBia fan war

ANGELA MUJI ON RABIN ANGELES

Mula nang magkasama sila ni Rabin sa Seducing Drake Palma, maraming natuklasan si Angela na magagandang katangian ng kanyang leading man.

Nalaman ni Angela na bukod sa makulit, masayang katrabaho si Rabin kaya palaging masigla sa set ng kanilang serye.

Ayon pa sa dalaga, ang serye ay katuparan ng kanyang pangarap na maging lead star dahil mga supporting role ang ginagampanan niya noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung pressure na gampanan at bigyan ng hustisya ang karakter ni Alys ang isa sa mga challenge sa akin.

“Ito po kasi ang unang beses na bumida ako sa isang teleserye kaya nakaka-pressure po na ma-meet ang standards at expectations ng mga tao, pati na rin ng sarili ko.

“Hinaharap ko po ito sa pamamagitan ng pagdarasal kay God at pagtitiwala sa sarili.”

Read: GMA Gala 2025 Awards: BreKa wins Couple of the Night

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angela Muji on success of Seducing Drake Palma: “Nakakatuwa at nakakataba po ng puso. I was pleasantly surprised na nailalaban po talaga ng minamahal naming supporters ang show namin ni Rabin."
PHOTO/S: @viva_tv on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results