PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA Gala 2025, people and pairs we missed

Rabiya at Jeric, hiwalay na for the past six months?!
by Jojo Gabinete
Published Aug 3, 2025
GMA Gala 2025: people we missed
GMA Gala 2025, walang eskandalong nangyari; missing in action si Ken Chan; hiwalay na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales; Sandro Muhlach um-attend ba?

Matagumpay, maayos, at walang eskandalong nangyari sa GMA Gala 2025.

Ginanap ang event noong Sabado, Agosto 2, 2025, sa grand ballroom ng Manila Marriott Hotel, Pasay City.

Read: Bea Alonzo confirms dating Vincent Co

GMA GALA 2024

Bukod sa nabantayan nang husto ang mga artista na dumalo, malaking aral ang natutunan ng lahat sa mga nangyari sa GMA Gala na idinaos din sa naturang lugar noong Hulyo 20, 2024.

Naging kontrobersyal ang GMA Gala noong nakaraang taon dahil sa isyung kinasangkutan ni Sandro Muhlach at ng GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Dode Cruz.

Ang GMA Gala 2024 ang last public appearance ni Ken Chan bago ito umalis ng bansa dahil sa pagkakasangkot niya sa syndicated estafa na isang non-bailable case.

Ang GMA Gala 2024 din ang huling GMA-7 grand event na dinaluhan nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales bilang showbiz couple.

Tanging si Jeric ang dumalo sa GMA Gala 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang balita, anim na buwan na ang nakalilipas mula nang magdesisyon sila ni Rabiya na wakasan ang kanilang relasyon.

Read: GMA Gala 2025 Awards: BreKa wins Couple of the Night

TIM YAP'S HOSTING AT GMA GALA 2025

Trending sa X (dating Twitter) si Tim Yap noong Sabado dahil sa klase ng hosting na ipinamalas niya.

Trending si Yap dahil sa mga negatibong komento tulad ng paratang na pananapaw niya sa kanyang mga blue carpet program co-host na sina Martin Javier at Janeena Chan, maging sa mga artista na ininterbyu nila at diumano'y mga out of place or offensive remarks niya.

Read: GMA Gala 2025 scene stealers

COSMETIC ENHANCEMENTS

Nagbago ang itsura ng aktres at ng isang television personality dahil nag-iba ang hugis ng kanilang mga ilong kaya nadagdagan ang kumpiyansa nila sa sarili.

Kinumpirma ng isang kakilala ng television personality na kasabay ng pagbabago ng itsura nito ang pagbabago ng kanyang ugali kaya lalong naging mahirap na pakisamahan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga artista at sponsor na dumalo sa GMA Gala ang magkakahawig na magpapaalala sa sinabi ng brutally frank actress na parang iisang doktor lamang ang nag-retoke sa kanilang mga mukha.

Read: Skin-baring stunners at GMA Gala 2025

OTHER HAPPENINGS

Sa mga aktor na dumalo sa GMA Gala, si Neil Ryan Sese ang dalawang beses na naglakad sa blue carpet dahil muli siyang pinarampa, kasama sina Vina Morales at Gladys Reyes, ang mga co-star niya sa afternoon drama series na Cruz vs Cruz.

Hall of Famers sa GMA Gala 2025 sina Heart Evangelista, Alden Richards, Marian Rivera, at Dingdong Dantes.

Tila déjà vu ang nangyari dahil noong nakaraang taon, sila rin ang mga pinarangalan bilang Hall of Famers ng GMA Gala 2024.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA Gala 2025, walang eskandalong nangyari; missing in action si Ken Chan; hiwalay na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales; Sandro Muhlach um-attend ba?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results