PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cup of Joe members, mga promding sikat na sa buong Pilipinas

Cup of Joe member Gian Bernardino, posibleng pasukin ang showbiz?
by Jojo Gabinete
Published Jul 31, 2025
cup of joe
Cup of Joe members: (from left) Raphael Ridao, Gian Bernardino, Gabriel Fernandez, CJ Fernandez, and Xen Gareza.
PHOTO/S: JP Aspa

Napatunayan at naramdaman ng mga miyembro ng pop rock band na Cup of Joe ang popularidad nila nang bumisita sila sa Fast Talk With Boy Abunda noong Miyerkules, Hulyo 30, 2025.

Pinagkaguluhan ng mga empleyado ng GMA Network ang Cup of Joe members na sina Gian Bernardino, Raphael Ridao, Gabriel Fernandez, CJ Fernandez, at Xen Gareza.

Nagpakuha ng litrato ang GMA employees kasama sila, humingi ng video greetings, at nakisabay sa pagkanta ng mga hit song nila tulad ng "Multo."

Tuwang-tuwa naman ang Cup of Joe sa mainit na pagtanggap sa kanila.

Read: ABS-CBN's Kat Domingo unfairly accused of throwing shade at GMA's Nico Waje

FROM THE PROVINCE

Mga probinsyano ang mga miyembro ng Cup of Joe na nagmula sa Abra, Baguio, at Pangasinan.

Hindi sila makapaniwalang makikilala ang kanilang grupo sa maraming panig ng mundo at hindi lamang sa Pilipinas.

Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files sa Cup of Joe, sinabi nila: “Sobrang blessed and thankful po kami na nabigyan kami ng ganitong platform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi magandang representation yon para maka-inspire pa kami ng maraming local artists na maka-penetrate sa mainstream.

“Hindi naman po lahat nabibigyan ng opportunity kaya araw-araw kaming nagpapasalamat na nandito kami ngayon, sama-sama pa rin kami. At ginagawa namin yung ini-enjoy namin, yung music.

"And hopefully it would inspire other artists na taga-Pangasinan, Baguio, Abra, kahit saan man sa Pilipinas.

“I think the biggest lesson we can give to other aspiring artists is that you can become someone no matter where you’re from.”

Read: Bianca de Vera says "yes" to Dustin Yu as his GMA Gala 2025 date

WILL THEY ENTER SHOWBIZ?

Sa tanong kung sino sa kanila ang may posibilidad na pasukin ang pag-arte, si Gian ang sabay-sabay na itinuro nina Xen, Raphael, CJ, at Gabriel.

Kahit Cup of Joe ang pangalan ng banda nila, sinabi ni Gian na hindi sila umiinom ng kape.

gian bernardino cup of joe
Cup of Joe member Gian Bernardino
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil mga Ilocano sila, hindi nila umano isinasara ang pintuan sa paglikha ng Ilocano songs sa mga darating na araw na isang paraan ng pagpupugay sa kanilang lahi.

At bilang patunay sa kasikatan na tinatamasa ngayon ng Cup of Joe, dalawang gabi magaganap ang kanilang major concert sa Smart Araneta Coliseum — sa Oktubre 10 at Oktubre 11, 2025.

Matagal pa ang pagtatanghal ng Cup of Joe sa Big Dome pero dumaraing na ang masusugid na tagahanga nila na nahihirapan silang bumili ng tickets, partikular sa online, dahil marami ang nakaabang.

Read: Former PBA player Roider Cabrera, di pa natutuloy ang angiogram

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cup of Joe members: (from left) Raphael Ridao, Gian Bernardino, Gabriel Fernandez, CJ Fernandez, and Xen Gareza.
PHOTO/S: JP Aspa
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results