PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janine Teñoso at Brent Manalo, may "nakaraan"?

Bago pa naging Big Winner sa PBB si Brent, nagkaeksena na sila ni Janine.
by Jojo Gabinete
Published Jul 27, 2025
Janine Teñoso, Brent Manalo
Follower na raw talaga si Janine Teñoso (left photo) ni Brent Manalo (right photo, with Janine) sa Instagram bago pa sila nagkatrabaho sa music video ni Janine na "Apat Na Araw."
PHOTO/S: @janinemusic Instagram

Hindi pa nananalo si Brent Manalo na Big Winner sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition nang kunin siya bilang kapareha ni Janine Teñoso sa music video ng "Apat Na Buwan" noong nakaraang taon.

Ngayong kilala na si Brent ng publiko dahil sa partisipasyon at tagumpay niya sa reality show na kanyang sinalihan, iimbitahin na lamang siya ni Janine para panoorin ang solo concert nito na magaganap sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City, sa Setyembre 6, 2025.

“Iimbitahin na lamang siya para manood. Baka kasi mataas na ang talent fee niya,” pabirong sabi ng isang malapit kay Janine tungkol sa planong pag-imbita kay Brent.

Ayon kay Janine, ang kanyang creative manager ang pumili noon kay Brent para sa music video ng "Apat Na Buwan," pero dati na siyang follower sa Instagram account ng aspiring actor.

Sabi pa ni Janine tungkol kay Brent, "I know he will fit the role na I guess aligned for the music video of 'Apat na Buwan.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: James Blanco, sinurpresa ng anak na si Iñigo Jose

JANINE FOCUSES ON MUSIC

Komposisyon ni Janine ang lahat ng kanyang mga kanta at isa ito sa mga dahilan kaya huminto na siya sa pag-arte.

Ang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko (2024), The Ship Show (2023), Ikaw Lang Ang Mahal (2022), at Kaka (2021) ang ilan sa mga proyekto ni Janine bilang aktres.

“Umaarte na po ako before. I wouldn’t say hindi ko ipinagpatuloy. I think nag-focus po ako sa writing music and singing. But two years ago, nagkaroon ako ng project for The Ship Show movie directed by Jason Paul Laxamana,” ani Janine.

"Ay, hindi po!" ang sagot naman niya nang tanungin kung nakagawa na siya ng pelikula para sa Vivamax.

Maaaring nalimutan ni Janine na dalawa sa mga acting assignment niya ang ipinalabas sa Vivamax: ang Kaka na pinagbidahan ng sexy star na si Sunshine Guimary, at ang Kylie Verzosa-starrer na Ikaw Lang Ang Mahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As herself ang karakter na ginampanan ni Janine sa Kaka at Petra ang pangalan ng katauhan na binigyang-buhay niya sa Ikaw Lang Ang Minahal.

Read: UPDATED. ABS-CBN's Kat Domingo unfairly accused of throwing shade at GMA's Nico Waje

JANINE'S TATTOO

Nang humarap sa entertainment press si Janine para sa solo concert nito, ang butterfly at airplane window tattoos niya ang napansin kaya nagkuwento siya tungkol sa mga kahulugan ng mga tawag-pansing marka sa kanyang kanang braso.

Janine Teñoso shows her tattoos.
Janine Teñoso shows her tattoos.
Photo/s: Jojo Gabinete
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yung tattoos ko po related sa dalawa kong Extended Play (EP). This is my first EP, 'Kuwento Sa Silid,' kasi yung butterfly po, it signals my growth as an actress and of course, siguro naki-bandwagon ako dahil usung-uso po yung butterfly tattoo.

“Yung second tattoo is my second EP, it’s called 'Apat Na Buwan' and it’s an airplane window.

"I guess yung significance is meron po akong isinulat na kanta called '23' at yung first line is 'I miss her sister and her coffee,' kasi my sister po, Kyra Luthi, lives very far away from me. She lives in Europe, kaya airplane window po ang tattoo ko.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Follower na raw talaga si Janine Teñoso (left photo) ni Brent Manalo (right photo, with Janine) sa Instagram bago pa sila nagkatrabaho sa music video ni Janine na "Apat Na Araw."
PHOTO/S: @janinemusic Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results