PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor involved sa pagpo-promote ng illegal online gambling sites?

Na-takedown diumano ang Facebook page niya?
by Jojo Gabinete
Published Jul 27, 2025
blind item pasaway na aktor
Isa raw si Aktor sa mga kilalang personalidad at influencers na nagpo-promote ng illegal online gambling sites. Totoo bang na-takedown ang kanyang Facebook page dahil dito?
PHOTO/S: Canva

“Wala akong panig,” ang sagot ni Aktor nang hingin ng Cabinet Files ang kanyang reaksyon tungkol sa diumano’y pagkawala ng Facebook page niya dahil isinasangkot siya sa online gambling controversy.

May kumakalat na report online na nag-takedown o nag-deactivate ang Facebook owner na Meta ng mahigit 20 accounts ng kilalang influencers at personalities dahil involved diumano ang mga ito sa pagpo-promote ng unauthorized o illegal online gambling sites.

Isa si Aktor sa nasa listahan ng kilalang personalities na na-takedown daw ang Facebook page dahil sa pagpo-promote diumano ng illegal online gambling site.

Pero sa pagtse-check ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), aktibo pa rin ang Facebook page ni Aktor.

Sabi pa ni Aktor, bukod sa wala siyang dapat ipaliwanag tungkol sa isyu, abala rin daw siya sa taping ng kanyang regular television show at mas makabubuti pa na i-post na lamang ang sport na kanyang pinagkakaabalahan.

Bilang patunay, ipinadala ni Aktor sa Cabinet Files ang animnapu’t isang videos (yes, 61 videos!) na nagpapakita sa kanya na naglalaro ng sport na paboritong-paborito niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman sa mga kaibigan niya, walang sapat na basehan ang mabigat na paratang laban kay Aktor.

Maaaring may gumagamit lamang umano sa pangalan at larawan ni Aktor dahil ang showbiz personalities ang madalas na target ng online scammers.

online gambling, a real problem

Ang nakababahalang problema ng bansa sa online gambling ang nag-udyok sa mga mambabatas para gumawa ng aksyon.

Suportado ng mga mambabatas ang tuluyan at ganap na pagbabawal sa online gambling dahil sa masamang epekto nito sa lipunan, lalo na sa mga pamilya at mga kabataan.

Buo ang paniniwala ni Senator Juan Miguel Zubiri na isang “silent epidemic” sa Pilipinas ang online gambling kaya naghain siya ng panukalang batas, ang Anti-Online Gambling Act of 2025.

Sinabi ni Zubiri na kahit sarado na ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), higit na mapanganib ang pumalit at ito nga ay ang online gambling.

Marami na ang kuwento tungkol sa mga Pilipinong nasira ang buhay dahil sa online gambling at nahihirapan na sila ngayon na makaahon mula sa pagkakalulong sa masamang bisyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa raw si Aktor sa mga kilalang personalidad at influencers na nagpo-promote ng illegal online gambling sites. Totoo bang na-takedown ang kanyang Facebook page dahil dito?
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results