PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga hurado ng OPM Female Clones, napuna ang mix-up sa winner

Mitch Valdes at Fe delos Reyes, nagsalita tungkol sa OPM Female Clones mix-up.
by Jojo Gabinete
Published Jul 24, 2025
mitch valdes fe delos reyes
Mga hurado ng OPM Female Clones na sina Mitch Valdes Left) at Fe delos Reyes (right), natuwa sa pagtuwid ng Eat Bulaga! sa mix-up sa winner.
PHOTO/S: Eat Bulaga TVJ YouTube

Agad na "umalma" ang mga hurado ng grand finals ng "OPM Female Clones" noong Sabado, Hulyo 19, 2025, nang mapansin nilang nagkamali si Vic Sotto ng pag-anunsiyo sa mga nanalo sa popular na talent singing competition ng Eat Bulaga!.

Si Rachel Clemente ng Mandaluyong City—na ginaya ang boses ni Sharon Cuneta—ang itinanghal na grand winner.

First runner-up ang Dulce clone ng Binangonan, Rizal, na si Rochelle Santos.

Si Jazharra Ungui naman ng Navotas City na "ka-voice" ni Claire dela Fuente ang second runner-up.

Matitindi at kaliwa’t kanang mga batikos ang tinanggap ng mga host ng Eat Bulaga! at ng mga hurado ng "OPM Female Clones" mula sa publiko, na naniniwalang si Santos o si Ungui ang karapat-dapat na nagwagi, hindi si Clemente.

Sina Mitch Valdes, Fe delos Reyes, Jimmy Antiporda, K Brosas, Sheryn Regis, Mitoy Yonting, at Lani Misalucha ang mga hurado ng "OPM Female Clones" kaya kabilang sila sa mga binatikos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Resulta ng OPM Female Clones, inalmahan ng ibang EB viewers

THE REAL OPM FEMALE CLONES WINNER

Taped as live ang Eat Bulaga! tuwing Lunes at Martes, kaya noong Miyerkules, Hulyo 23, lamang naituwid ang malaking pagkakamali tungkol sa mga tunay na nagwagi.

Dito na nilinaw na si Santos ang grand winner, first runner-up si Ungui, at si Clemente ang third runner-up.

Si Allan K ang nagpaliwanag tungkol sa kalituhang nangyari dahil sa pagkapalit-palit umano ng mga cue card.

Sinundan niya ito ng paghingi ng paumanhin at ng pahayag na pinahahalagahan ng Eat Bulaga! ang integrity, honesty, at fairness sa lahat ng mga desisyon at kompetisyon.

Sabi rin ni Allan K, "Higit po ang aming pagpapahalaga sa desisyon ng mga judges noong Sabado [sa] grand finals ng 'OPM Female Clones.'

"Pitong mahuhusay at pinagpipitagang pangalan sa industriya ang pumili sa karapat-dapat na manalo noong Sabado."

Read: Eat Bulaga! addresses mix-up in OPM Female Clones results

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MITCH VALDES AND FE DELOS REYES

Ngayong Huwebes, Hulyo 24, personal na nakausap ng Cabinet Files sina Mitch Valdes at Fe delos Reyes, ang dalawa sa pitong hurado ng "OPM Female Clones."

Kinumpirma nila ang kanilang maagap na pagpuna sa maling pag-anunsiyo ng mga nagwagi.

Lahad ni Mitch: "Nagpapasalamat po ako sa management nung show na yon dahil nung i-call out namin yung isyu na mukha yatang nagkamali lang ng announcement, e, kaso kasi na-bash-bash po kaming mga judges.

"Nilait po kami, pagkatapos sinabi bayaran kami, pagkatapos sinabi binili kami. So, hindi po namin kaya po iyon.

"So, congratulations sa nanalo na nag-clone kay Dulce."

Dagdag din niya, "At nagpapasalamat kami sa management ng Eat Bulaga! at sila rin cast mismo, ang ganda po ng explanation nila at pinuri naman kami, so thank you so much to all of you.

"Huwag po kayong madadala."

Read: Yen Santos claims her last relationship was a “nightmare”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NASAWI, PERO NAGWAGI NA SI ROCHELLE SANTOS

Sabay nagbiro si Mitch na tunay na nasawi pero nagwagi si Rochelle, ang clone ni Dulce na umawit ng "Ako Ang Nasawi, Ako Ang Nagwagi."

Sinabi naman ni Fe na grateful silang judges dahil sa pagtutuwid na ginawa ng Eat Bulaga! tungkol pagkakamali na nangyari.

"Na-handle naman," ani Fe.

"It was… magre-react talaga yung tao kasi nga there was…" magpapaliwanag pa sanang sabi ni Fe.

Pero sabi na lang niya, "Nagkakamali naman lahat."

Kinumpirma ni Fe na si Santos ang talagang nanalo at hindi si Clemente.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mga hurado ng OPM Female Clones na sina Mitch Valdes Left) at Fe delos Reyes (right), natuwa sa pagtuwid ng Eat Bulaga! sa mix-up sa winner.
PHOTO/S: Eat Bulaga TVJ YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results