PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hugo Sotto, papasukin na rin ba ang showbiz?

Varsity player ang six-footer na si Hugo.
by Jojo Gabinete
Published Jul 23, 2025
Is Hugo Sotto interested in joining showbiz?
Hugo Sotto, susundan na ba ang yapak ng mga kamag-anak na nakilala sa mundo sa showbiz? Lolo niya na si Senator Tito Sotto, na nanguna sa pag-post ng mga litrato ng binata.
PHOTO/S: @deleonphoto via @helenstito Instagram

Inaabangan ang pagpasok sa showbiz ni Hugo Sotto, o may buong pangalang Vicente Sotto IV, dahil taglay niya ang mga katangian ng isang matinee idol.

Si Hugo ang 20-year-old at 6-footer na panganay na anak ni Quezon City Vice-Mayor Gian Carlo Sotto at ng misis nito na si Joy Woolbright Sotto.

Nag-aaral si Hugo sa Ateneo de Manila University at isang varsity player.

Walang puwedeng kumuwestiyon sa pedigree ni Hugo dahil apo siya nina '60s superstar Helen Gamboa at Senator Tito Sotto na pawang mga talented actor at television host.

Apo rin si Hugo ng popular comedian at television host na si Vic Sotto at pamangkin ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Read: Jake Ejercito, Jessy Mendiola, netizens not amused by DILG post

HUGO SOTTO'S PROUD PARENTS

"Anak ko yan!" ang may pagmamalaking reaksyon ni Mayor Gian Sotto nang ibahagi ni Senator Tito sa social media ang larawan ni Hugo na umani ng mga papuri.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"My mama heart couldn’t resist-sorry Hugo. Had to share and repost these! Where did time go," ang Instagram post ng nanay ni Hugo na si Joy.

"Aawatin ko ba ito?" ang caption naman ni Senator Tito sa ibinahagi nitong litrato ng kanyang apo na kuha ng ace photographer na si Jun de Leon.

Read: Donny Pangilinan gives a tour of newly renovated condo

SI SHIRLEY KUAN ANG POSIBLENG MANAGER?

Naka-tag ang pangalan ng talent manager ni Shirley Kuan sa mga social media post tungkol kay Hugo.

Dahil dito, pinaniniwalaang siya ang mamamahala sa showbiz career ng potential heartthrob kapag nagdesisyon itong sundan ang yapak sa entertainment industry ng kanyang mga kamag-anak.

Si Shirley ang manager ni Helen kaya inaasahang siya rin ang magpapalakad sa showbiz career ni Hugo.

Panahon ngayon sa showbiz ng matatangkad na aktor na mula sa pamilya ng mga de-kalibreng artista; at si Hugo ang karagdagan sa listahan nina Donny Pangilinan, Andres Muhlach, at Robbie Jaworski, kung sakaling matuloy ang pagpasok niya sa entertainment industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hugo Sotto, susundan na ba ang yapak ng mga kamag-anak na nakilala sa mundo sa showbiz? Lolo niya na si Senator Tito Sotto, na nanguna sa pag-post ng mga litrato ng binata.
PHOTO/S: @deleonphoto via @helenstito Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results