PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA News reporter Bernadette Reyes, sinagot ang bastos na netizen

GMA News reporter Bernadette Reyes, sinagot ang bastos na netizen
by Jojo Gabinete
Published Jul 22, 2025
bernadette reyes gma integrated news
GMA Integrated News anchor-reporter Bernadette Reyes replies to a netizen who left a rude comment on her Facebook post about leaving her home and family to cover the floods in Metro Manila.
PHOTO/S: Bernadette Reyes Facebook

Malutong na mura at masasakit na salita ang tinanggap ng GMA Integrated News reporter at anchor na si Bernadette Reyes mula sa isang netizen dahil sa kanyang Facebook post tungkol sa trabaho at pagbabalita sa malakas na buhos ng ulan at baha na ilang araw nang nararanasan sa Metro Manila at Luzon.

Ibinahagi ni Bernadette sa Facebook post nito ngayong Martes, Hulyo 22, 2025, ang larawan niya habang nakalusong sa baha, kasama ang cameraman ng GMA-7.

Read: Ina ni Paolo Tantoco, nagsalita na tungkol sa pagkamatay ng anak

Kalakip nito ang kanyang kuwento, published as is: "tuwing may bagyo, habang marami ang nasa loob ng bahay, nanonood ng tv, kumakain o nagtutulog, kami heto lubog sa baha.

"tulog pa ang anak ko ng umalis ako sa bahay ala sais ng umaga. gusto ko sanang yakapin pero hindi na muna, baka magising. may halong lungkot nang sinara ang pinto kasi hindi ko na naman alam kung anong oras ako uuwi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"pag labas pa lang ng bahay, bumuhos na agad ang napakalakas ulan. sabi ko pa naman, hindi ako papaulan kasi kagagaling ko lang sa sakit.

"pero sabi nga ng boss ko, itong trabaho namin, calling ang tawag dito. yun bang kahit minsan dinadapuan ka ng lungkot, nahihirapan ka na, pero hindi mo magawang iwan.

"kaya kahit na gusto ko rin huwag lumabas ng bahay, manood ng Netlfix maghapon, kumain ng champorado at matulog pagkatapos heto, lublob sa baha para maghatid ng balita.

"mahigit dalampung taon na ang lumipas, hindi ko pa rin maipaliwanag kung bakit alam kong delikado pero patuloy na naghahatid ng balita.

"yung basang-basa na ang damit, nanginginig na sa lamig pero tuloy lang sa trabaho,

"yung gutom ka na pero nagpalipas ka na ng gutom, yung pagod ka na pero may nahuhugot ka pa rin na lakas dahil kailangan may mag balita.

"mahirap ipaliwanag kung bakit pero hindi na kailangan pang ipaliwanag kung para saan... para sa bayan, uulit-ulitin para sa bayan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Janella Salvador accused of being third party in Klea Pineda-Katrice Kierulf breakup

BERNADETTE REPLIES TO NETIZEN'S UNCALLED-FOR POST

Umani ng 288,000 likes at 3,800 comments ang Facebook post na ito ni Bernadette.

Pero isang netizen ang nag-iwan ng maaanghang na komento at minura pa si Bernadette dahil hindi ito pabor sa mga salitang binitiwan ng Kapuso anchor-reporter.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Walang pakundangang sinabi ng netizen: “Pu…ina dami mo arte buti ka nga may trabaho kami kya nandito sa loob ng bahay walang trabaho.

“Yan pinili mo trabaho palit tayo kami jan sa labas ikaw sa bahay wala naman sahod pa-relax relax kami walang income ikaw nasa baha laki ng sahod mo bobo ka.

“dami mong satsat eh di mag-resign ka hanap ka ibang trabaho drama mo.”

Hindi nangimi si Bernadette na ibahagi sa kanyang social media followers ang kagaspangan at kawalan ng respeto sa kapwa na ipinamalas ng netizen.

Hindi rin pinalampas ni Bernadette ang pambabastos sa kanya.

Kalmado at magalang pa ring tugon ng GMA Integrated News personality: “Kung hindi nyo po ma-appreciate ang ginagawa namin, huwag nyo na lang akong murahin.

"May ilang trabaho na in-offer sa akin, double ang sahod at hindi ko kailangan magtrabaho tuwing bagyo pero pinipili kong maghatid ng balita para sa mga tulad nyong nasa bahay para alam nyo ang sitwasyon sa labas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana ay ligtas kayo. God bless.”

Read: Sleeping Prince ng Saudi Arabia, pumanaw na matapos ma-coma sa loob ng 20 taon

Sa magkakahiwalay na social media post, inulit ni Bernadette ang naunang pahayag nito tungkol sa pagsisilbi niya sa bayan.

Aniya, “You cannot please everyone kaya naman tanggap ko na may mga taong hindi ako kailanman magugustuhan.

“Subalit nakalulungkot na sa kabila ng malinis na hangarin na tumulong sa bayan heto mura pa ang inaabot.

“Sa kabila nito, hangad ko pa rin po na nasa ligtas kayong kalagayan lalo na ngayong sinusubok na naman tayo ng kalikasan.

“Ilang beses nyo man akong murahin o kutyain, patuloy akong magsisilibi sa bayan, uilit-ulitin para sa bayan.”

Read: Young swimming coach, nag-viral sa social media dahil sa kaguwapuhan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA Integrated News anchor-reporter Bernadette Reyes replies to a netizen who left a rude comment on her Facebook post about leaving her home and family to cover the floods in Metro Manila.
PHOTO/S: Bernadette Reyes Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results