Ngayong Linggo, Hulyo 20, 2025 (Philippine time), magaganap ang paghaharap ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng Mexican-American boxer na si Mario Barrios para World Boxing Council (WBC) welterweight title.
Read: Manny Pacquiao, mainit na sinalubong ng boxing fans sa Las Vegas
Kung karamihan ng mga Pilipino ay buong-buo ang suporta kay Manny at ipinagdarasal na manalo ito, may ilang personalidad ding hindi siya sinusuportahan sa laban niya.
Kabilang na rito ang U.S.-based actress-TV host na si G Tongi.
Inilahad ni G ang sentimyento nito patungkol kay Pacquiao sa pamamagitan ng kanyang Facebook post ngayong Sabado, Hulyo 19.
Nakasaad dito: “Have people forgotten the homophobic comments of Manny when he said gays are worse than animals?!? I mean, why do Filipinos have amnesia?!”
Read: Janus del Prado to Awra: "You are hurting the gay community."
MANNY PACQUIAO'S TAKE ON SAME-SEX MARRIAGE
Ang tinutukoy na "homophobic slur" ni G ay ang pahayag ni Manny sa isang panayam ng TV5 noong Pebrero 2016.
Sa naturang panayam, sinabi ni Manny: “As a Christian, bawal naman yung same-sex marriage.
“Ginawa ang babae para sa lalaki, ginawa ang lalaki para sa babae.
"Kasi para sa akin, ito lang o, common sense lang. Makakita ka ba ng any animals na lalaki sa lalaki o babae sa babae?
"Mas mabuti pa yung hayop, marunong kumilala kung lalaki o lalaki, babae-babae, o di ba?
“Ngayon, kung lalaki sa lalaki o babae sa babae, e, mas masahol pa sa hayop ang tao, o di ba?
"Ang hayop lang… hindi puwedeng hindi talaga magsama ang lalaki sa lalaki.
“Pero I'm not condemning. I’m not condemning them. Yung marriage lang, committing sin against God.”
Read: Manny Pacquiao apologizes but stands by his belief about same-sex marriage
Umani ng matinding batikos at naging headline ng mga international news ang pahayag na ito ni Pacquiao, dahilan kaya nawalan siya ng malalaking product endorsements.
Inihingi ni Manny ng paumanhin ang kanyang mga binitiwang salita laban sa LGBTQIA + community, pero pinanindigan pa rin niya ang kanyang paniniwala.
At base sa Facebook post ni G, hinding-hindi nito nakalilimutan ang kontrobersiyal na pahayag ng Filipino boxing champ.